Paulit-ulit ang ginawang pag-inhale at exhale ni Isabel dahil sa pinipigilan niya ang kanyang sarili na magalit ng husto dahil sa mga bintang ni Ellion sa kanya. Pati ang walang kamuwang-muwang na si Anthony ay nadamay dahil sa kalokohan ng kanyang sir Ellion. Pag-isipan ba naman sila ng masama ng kanyang Sir Ellion. Wala nga silang ginawa ni Anthony kundi ang mumuklat ng mamuklat ng bato. Para makahanap ng mga isda at shell na maaari nilang maiuwi para pang ulam. Hindi naman iyong pang-ulam talaga ang pinuntahan niya doon, kundi ang kasiyahan hatid sa kanya kapag nagtutungo sa dagat para maglibang. Naipilig niya ang kanyang ulo, nais niyang iwaglit na lamang sa kanyang isipan ang nararamdamang inis sa lalaki dahil hindi siya makakapag-concentrate kapag nagkataon. Kinakatakot niya