Ilang araw na si Issay sa hospital na iyon pero hindi pa rin siya pwedeng lumabas ng dahil sariwa pa rin ang sugat niya sa tiyan. Ilang beses na niyang tinatanong si Enrique kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya pero palagi nitong sinasabi na naaksidente lang daw siya habang nakasakay sa tricycle. Kaya daw naoperahan siya sa tiyan pero para bang hindi kapani-paniwala ang sinasabi ng lalaki. Isa pa ang kinakainis niya bakit hindi man lamang siya dalawin ang kanyang lolo. Pero gaya ng sinabi ni Enrique galit sa kanya ang lolo niya dahil sa ginawa niyang pagtakas dito. At saka nasa malayong lugar sila, malayo sa probensya nila. Kailangan pa nilang sumakay ng chopper na pag-aari ni Enrique para makabalik sila sa lugar kung saan sila naninirahan. Kaya lang ang ipinagtataka niya kung baki