Panaka-naka na lamang ang paghikbi ni Isabel hanggang sa tuluyan na itong kumawala sa pagkakayakap niya. Tsaka nito pinahid ang luha nito sa pisngi. "Gusto kong mag desisyon ka para sa sarili mo, kung ang piliin mo ba ay ang dati mong kasintahan o kami ng anak mo. Pero hangga't hindi mo pa ako pinagtatabuyan, kami ng anak mo ay mananatili kami sa piling mo dahil bilang isang ina, ayaw kong mawalan ng ama ang aking anak. Ayokong matulad siya sa akin na lumaki na walang ama. Dahil maagang namatay ang aking mga magulang at napakahirap ng gano'n kaya hindi ko mapapahintulutan na maranasan iyon ng aking anak." Mahinahon na ulit na pahayag nito. Tsaka tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa kama at inayos na muli ang sarili. Tsaka naglakad palabas ng pinto. "T-Teka, saan ka pupunta?" Nauutal na