“Teka sino ang nagsabi sayo na maaari kang sumabay sa pagkain sa amin ng anak ko?” Mataray na tanong sa kanya ng Señora nakataas pa nga ang isang kilay nito habang nakatingin sa kanya. Matapos kasing mag-hain ni Issay sa mesa at ihayin din ang mga dala-dala nitong mga pagkain ay umupo na rin siya sa upuan kung saan siya palaging nakaupo kapag kumakain sila. Sa tapat iyon ng kinalalagyan ng wheelchair ng kanyang boss. “Ho? Ahh ehhh.. A-ano po, n-nasanay na po kasi ako na magka sabay palagi kaming kumain ni Sir Ellion. Pasensya na po pangako hindi na mauulit.” Halos mamula ang kanyang mukha na sinasabi iyon, hiyang hiya siya dahil sa sinabi ng senyora. Ngayon nararamdaman na niya iyong mga nararamdaman ng kanilang mga kasambahay kapag nabubulyawan ng kanyang lolo dati. Lalo na kapag