TBSM: Kabanata 42

1009 Words

Minabuti ni Isay na mahiga na lamang sa kanyang kama dahil ang totoo wala naman talaga siyang gagawin sa loob ng kanyang silid. Sinabi lamang niya iyon sa Senyora para makaalis na siya sa harapan nito at matigil na rin ang nakakainis na mga sinasabi nito. Kung maaaring lamang niyang galawin ang kanyang pera sa bangko ay ginawa na sana niya para isupalpal sa pagmumukha ng matapobreng ginang. Kaya lang kailangan niyang magpakahinahon dahil kapag nagpadala siya sa init ng ulo at sa kanyang galit ay siguradong matapos niyang mag-withdraw ang pera ay matutunton naman siya ng mga tauhan ng kanyang lolo. Ang hiling na lamang sana niya ay umalis na ang ginang dahil baka hindi siya makapagtimpi ay masagot talaga niya ito. Gawin pa bang upahan ang kanyang matres. Ibang-iba talaga ang ugali ng

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD