Mabilis nilang itinakbo sa ospital si Don Eliseo, sakay ng kotse na pag-aari ni Ellion. Siya na rin ang nag-drive niyon para mas madali ang kanilang pagtungo sa bayan. Pagdating naman nila sa ospital ay agad na inasikaso sila ang mga doctor si Don Eliseo, agad itong dinala sa emergency room at ang ibang mga sugatan ay ginamot din ang iba pang doktor. Siya naman ay hindi agad pumayag sa nais sa mga doktor na gamotin, dahil nais niya na damayan muna at alalayan si Isabel dahil wala itong tigil sa kakaiyak kitang-kita kasi ang pag-aalala nito sa lolo nito. Pabalik-balik ito at hindi mapakali maging ang tingin nito sa pintuan ng emergency room ay wala ring humpay. Ramdam niya kung ano ang nararamdaman nito dahil ganito rin ang nangyari sa kanya noong ito naman ang nasa loob ng delivery