"Hindi naman naka-assign sayo yung mga nurse na yun ah, bakit nagtungo sila dito sa silid mo? Tinatanong ko kung anong ginawa nila dito sa loob hindi sumasagot. Iyong isa pa yung sumagot na kesyo may nangyari daw sayo." kunot noong tanong sa kanya ni Enrique. Tila duda ito sa sinagot ng nurse dito, mukhang meron talagang tinatago ang lalaki dahil bawat kilos na lamang ng mga taong napapalapit sa kanya ay tila ba minamasama nito. "Ah yun ba, tinulungan lang nila ako. Kanina kasi lumabas ako diyan sa may hallway. Naiinip na kasi akong masyado dito sa loob tapos medyo natagalan ka pa. Balak ko lang sana na maupo doon sa pinakang main entrance ng ospital, 'di ba mayroong malaking TV doon. Gusto ko sana manood man lang ng TV kaya lang bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo kanina. Buti na l