“Ellion, tinatanong ka ni Lolo bakit ba tila wala ka sa sarili diyan? Nakailang tanong na si Lolo hindi mo man lang sinasagot.” Kunot noong tanong ni Isabel sa kanyang asawa. Kumakain kasi sila noon ng dinner at matapos iyon ay magpapahinga na sila dahil maghahanda pa sila sa pag-alis mamayang madaling araw. “Ha? Ahh..ehhh… May sinasabi ka po ba Lolo pasensya na po hindi ko kasi narinig nasarapan lang kasi ako dito sa beef steak na kinakain natin. Sobrang lambot at talagang nakakatakam nguyain kaya nawala po ako sa focus. Ano po ba yung sinasabi ninyo?” Kandautal na paliwanag nito tsaka nagtanong ulit kung anong sinabi ng kanyang lolo. “Naku totoo iyang sinasabi mo napakasarap nga naman nitong beef steak na ito. Sa lahat ng mga restaurant na nakainan ko, dito lang yata ako nag-enjoy k

