Pagbaba pa lang niya ng kanyang kotse ay napansin niya ang isa pang kotse na nasa mismong parking niya. Iniisip niya na baka ang kanyang Papa iyon, imposible naman na kanyang Mama kasasabi lamang nito sa kanya na baka pag nailabas na lang ang kanyang anak saka ito babalik sa resort. Pagbukas niya ng main door ay ito na nga agad ang tumambad sa kanya. "Babalik na tayo sa Manila anak. Hayaan mo na ang asawa mo na iyon. Kinalimutan na rin naman kayo kaya mas makakabuti kung ilipat na natin sa Manila ang anak mo. Nang doon ay makapagpacheck-up ka na rin para masiguro natin kung okay na ba ang mga paa mo. Bukas na bukas din ay aalis na tayo, aasikasuhin ko lamang ang papers ng anak mo para mailipat natin siya." pahayag ng mama ni Ellion pagdating niya sa kanilang bahay. Ginabi na siya s