Agad na napabalikwas ng bangon si Isabel nang marinig ang sinabi ng kanyang Sir Ellion. "Bilisan mo Issay, magbihis ka at lumabas ka na agad!" wika nito sa kanya. Tila natatakot na ewan , tsaka umayos din ito ng higa ni hindi na siya tiningnan. Agad naman niyang isinuot ang short niya at panty. Sa pagkakarinig niya tila nasa may sala na ang Mama nito. Siguradong makikita na rin siya ng Ginang kapag lumabas sa silid ng kanyang Sir. Sabagay may dahilan naman siya kung bakit sila nandoon sa loob ng silid nito. Hindi naman siguro mag-iisip ng masama ang mama nito. Kaya lang hindi niya maintindihan kung bakit parang takot na takot ang kanyang Sir Ellion. Sinabihan kasi siya nito na agad na lumabas ng silid. Matapos niyang ayusin ang kanyang sarili, minabuti niya na tumingin muna ng