Pagsapit ng ika-pitong buwan ng tiyan ni Issay, may malaking pagbabago siyang napapansin kay Ellion. Palagi itong may kinakausap sa telepono, at kapag napansin nito na nandiyan siya ay itinitigil nito ang pakikipag-usap. Tapos parang patay malisya lamang ito kung makipag usap sa kanya. Mabait pa rin naman ito sa kanya, inaalagaan pa rin siya at maalalahanin pa rin ito. Pero may pagbabago na talaga dito at hindi niya iyon nagugustuhan. May mga time na gusto na niyang kausapin ang lalaki pero baka mag-away lamang silang dalawa. Sa totoo lang hindi niya alam kung may karapatan nga ba siya na sitahin ito o magtanong man lang kung bakit ito ganun at sino ang kinakausap nito. Sabihin pang mag-asawa sila, pero sa papel lang iyon. Pero ang pagiging sweet at maalaga nito ay nananatili pa ri