KABANATA 45: HINDI ako matigil sa pag-iyak hanggang sa nakarating ako sa kwarto ko. ‘Di ko na nga nagawang sabihin kay Manang Cora na umalis na si Sir Augusto. Wala ako sa sarili habang habang nilalabas isa-isa ang mga gamit. Ito naman talaga ang dapat kong gawin. Kailangan ko pa bang kausapin si Logan tungkol dito? Nagsinungaling siya sa akin. May fiancee na pala siya. Bakit hindi ko alam? Bakit hindi ko nahalata? Ganoon kagaling? Para ngayon ko lang malaman? O, baka naman recently lang? Ganunpaman, malinaw naman sa akin na ayaw sa’kin ng magulang niya. Sino ba naman ang may gusto sa tulad ko para kay Logan ‘diba? Hindi ko sila masisisi. Siguro kahit naman ipaglaban ko. Bandang huli, ako din ang talo. Hanggang saan aabot itong pagmamahal ko? Natatakot