KABANATA 85: SINUNDAN ko ng tingin ang pa-paalis na si Jennica bago bumaling kay Logan na ngayon ay busangot ang mukha ng makalapit sa akin. Tinignan niya muna ako pati ang hawak ko na mop sabay bumuntong-hininga. Narinig ko ang ilang boses sa hallway. Mga naguusap na guests. “Bakit hindi ka nagpaalam sa’kin na aalis ka na? Para ka lang nangiwan ng tutang tulog.” Lalong umasim ang mukha nito. Nakapamulsa pa at akma pang lalapit pa sa akin kaso hinarang ko sa kanya iyong mop ko. Pinandilatan ko siya ng mga mata. “Huwag kang lumapit. Mapagtsi-tsismisan tayo! Tsaka nagpaalam ako. Tulog ka nga lan—hep!” Nagpanic ako at napalakas ng kaunti ang boses dahil akma na naman siyang lalapit pa sa akin. Isang dipa na lang kasi ang layo niya