KABANATA 30: MASASARAP na pagkain ang hinain sa’min para sa hapunan. Mas marami ang pagkain kumpara sa kanina. Sa desserts nila ay natatakam na ko. Duon palang ata busog na ko, e. May sarili din kaming Butler na nagpapaliwanag at naga-assist sa’min sa pagkain. Busog na busog ako. Lalo na hinayaan ako ni Sir Logan na kumain muna. Siya ulit ang nag-asikaso kay Amber. Nahihiya na nga ko. Gusto ko sana makipagtalo kaso may staff sa harap namin kaya pinili ko na lang itikom ang bibig. “I hope you enjoy your dinner Mr and Mrs Sevilla.” Nakangiti ang Butler ng sabihin iyon samin. Aapela sana ako dahil hindi iyon totoo ng maunang magsalita si Sir Logan. “Yeah, the food is great. I’d love to have another bottle of this,” anito na itinaas ang isang