KABANATA 22: NAGING pala-isipan sakin iyong nangyari kagabi. Pakiramdam ko ay may ibig sabihin iyong kuryente kanina pero hindi ko naman alam kung ano. Naranasan ko naman na makuryente ng mahawakan ko ang tao dahil grounded iyong sahig. Baka ganoon? Pero bakit ba pinagiisipan ko pa ng higit pa doon! Sumakit ata ang ulo ko lalo na pilit kong inaanalisa kung ano ba itong nangyayari sa tiyan ko kapag nakikita ko siya. Kapag nagkakatitigan kami. Napagod na lang ako at tinulog ko na lang iyon. Sumunod na araw ay ganoon parin. Kaso pagdating sa hapon ay iyong Martial Arts Teacher na ni Amber na si Frank ang nagturo dahil Wednesday ngayon. Tulad ng pangako niya sakin. Pinasali niya ako sa klase nila ni Amber. Nasa Gym kami ng bahay habang tinuturuan kami ni Sir Frank sa general basic mov