KABANATA 69: MATAPOS ang tanghalian ay tulad ng gawi kapag nasa bahay. Kanya-kanyang toka ang mga kapatid ko sa bahay. Nasa sala na kami at wala atang planong pauwiin ni Mama si Logan. Paano ay kinakausap pa niya ito hanggang ngayon. Nasa hamba ako ng pintuan at nagaantay kay Papa. May paguusapan pa kaming pamilya. Hindi naman pwedeng andito lang ang isang ‘to. “Ang galing mo, hijo. Kaya mong hawakan lahat ng business niyo! Nakaka-relax pa ba ang katulad mo?” Dinig kong tanong ni Mama. Nakatingin ako sa labas. Nagreply si Papa sa akin na nasa Dasma na siya. “Hindi nga, e. Nito lang... nung nakasama ko na si Rica.” Sumulyap siya sa akin. Yamot akong bumaling sa kanila. Sumisimsim na ng kape si Logan hab