KABANATA 88: NAGPAALAM ako sa mga kasama nang uwian na. Nauna na ko na umalis at naglakad papunta sa likod ng hotel. Hanggang sa nakarating na ko bahay at naabutang kumakanta at sumasayaw si Amber sa sala. Hanggang 12 PM lang kasi ang pasok niya. Pagkita sa akin ay agad nanakbo kaya hindi ko maiwasang humagikgik at pangigilalan na naman. Pagdating ko ay wala pa si Logan. Malamang ay nasa office pa at nagta-trabaho. Umakyat ako sa kwarto para magpalit ng damit. Habang ginagawa ko ‘yon ay sunod ng sunod sa akin si Amber. Pagbaba namin ay sakto naman ang pagdating ni Logan. Nanakbo naman ulit si Amber sa Daddy niya. Medyo nainis si Logan na hindi daw ako nagpaalam na uuwi na. Hindi niya napansin ang oras at 2:30 PM na ng malaman niya at malamang ay nakauwi