KABANATA 20: NAPATAYO ako ng tuwid ng pinandilatan ako ni Manang Cora at sinenyasan na sumunod na kila Sir Logan at Amber. Nagku-kwentuhan silang mag-ama habang para akong robot kung kumilos. Nanginginig ako sa pagkuha ng mga plato. “We played rock-paper-scissor and I won! Right, Ate Rica?” Kinagat ko ang ibabang labi. Naku dinamay pa ko. Ang daldal ng batang ito. Humarap ako sa kanila at ngumiti. Tumango pero tikom ang bibig. Bumaling ako sa mga plato at nilapag iyon sa harap nila. Ramdam ko ang titig ni Sir Logan sa bawat galaw ko. Siguro inoobserbahan niya talaga kung tama ang ginagawa ko o inaantay niyang magkamali ako? “You’re shaking,” aniya sa baritonong tinig. Nag-angat ako ng tingin at ngumiti pero nagmukhang pilit. Natatakot talaga ako na gumalaw sa harap niya. D