KABANATA 90: MEDYO awkward pa ‘nong kumain kami. Sariwa pa kasi ‘yong iyakan namin kanina. Naiilang din naman ako. Mabuti na lang narito ang mga kapatid ko kaya medyo gumaan din ang paligid. Nagusap kami ni Mama at tinatanong niya ang tungkol sa pinagbubuntis ko at kung ano pang balita sa akin. Sinabi ko na din sa kanya lahat. Kasabay noon ay nagbigay na din ako ng pandagdag sa budget niya. Si Logan naman ay kinausap ng masinsinan ni Papa sa sala. Matapos ay nakipaglaro ako saglit kila Yolly at Queenie. Nakikipagkwentuhan din sa akin si Esmeralda at nag-share ng pregnancy journey niya sa akin. Kabuwanan niya na next month. Kinakabahan din kami para sa kanya dahil mas di hamak na bata siya kumpara sa akin. Naniniwala naman akong makakaya niya. Nanatili kami s