KABANATA 76: TAHIMIK ako hanggang makarating kami sa Executive Suite. Tinap ni Logan ang key card at bumukas na ang pinto. Bumungad sa amin ang maayos at hindi kalakihang suite. Kumpara sa mga tinuluyan naming mga hotel ito ay simple lang naman. Para siyang standard room sa isang 5-star hotel pero sa kanila ay ito na ang executive. Pagbukas ng pinto ay king size na kama agad ang bubungad. Sa harap ay ang TV monitor. May maliit na table na may dalawang upuan. May balcony at may sarili ding bathroom. Binitawan ni Logan ang kamay ko ng isara nito ang pinto. Pinasadahan ko ang buong paligid. May isang pinto doon na hula ko iyon ang kwarto. Gusto kong maligo. Pakiramdam ko ang dumi at lagkit lagkit ko na dahil sa binyahe namin kanina. Nasa Quezon naman na kami