KABANATA 78: MAY araw na ng magising ako. Wala na ang mainit na yakap sa akin kagabi. Mag-isa na lang kasi ako sa kama at naririnig ko na si Logan na may kausap sa cellphone nito. Nag-unat pa ko habang nakahiga ngunit ang mga mata ay nanatiling nakapikit. Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Marahan kong iminulat ang mga mata at nakitang maliwanag na nga sobra sa kwarto namin. Pumasok na ang haring araw sa loob. Nagulat ako ng mapatingin sa sarili. May suot na kong red plain cotton sleeveless dress. Nakakamangha na pati panluob ko ay meron na din! Paanong hindi ko lahat iyon naramdaman ng bihisan niya ako kagabi o kanina? Napatingin ako kay Logan na nakaupo at nakaharap sa laptop nito habang kausap ata ang secretary