-Shania's POV- Bukas na. Bukas na kami ikakasal. Kahit medyo naiinis ako, ramdam ko pa rin ang excitement para sa mangyayari. Wala akong pakialam kung sabihin nila na ang bilis ko namang magmahal. Tao rin ako, babae, madaling mahulog. Noong una, naisip ko na baka, pinaglilihian ko lang si Sir Lawrence. Pero hindi eh, iba ang nararamdaman kong ito. Pagmamahal. Mahal ko na nga si Sir kahit na malayo ang agwat ng edad namin. Sabi nga nila 'age doesn't matter' when it comes to love. Oo, naniniwala ako sa kasabihang iyon. Kapag love ang pinag-uusapan, wala na akong pakialam sa sasabihin ng mga tao, o sa sasabihin ng buong mundo. Kung dati'y nakakaramdam ako ng guilt sa tuwing naaalala ko si Kyla, ngayon hindi na. Sabihin niyo nang makasarili ako; wala akong pakialam. I love Sir Lawre