-Shania's POV- "f**k you! Get out of here!" Sigaw ni Dwayne kay David pagkatapos niya itong paulanan ng suntok. Kahit nariyan si Dwayne pakiramdam ko hindi pa rin ako ligtas. Nanginginig pa rin ng mga kamay ko't nangangatig ang tuhod. Lawrence... Gusto kong makita si Lawrence. Saka lang siguro mawawala ang takot ko kung makikita ko siya ngayon. "Easy, dude. I'm leaving okay?!" Malakas na sabi ni David bago tumayo. Marahas itong tumingin sa akin. "We're not done yet. I'll be back at kukunin ko ang dapat ay sa akin." Nakangising sabi ni David bago tuluyang lumabas ng condo ko. Hindi ko mapigilan ang pag-iyak. Pakiramdam ko mamamatay na ako kanina. Parang hindi na ito ang David na kilala ko. Ibang-iba na ito sa lalaking minahal ko noon. Marahan kong hinawakan ang aking tiyan nang ma