-Shania's POV- "David, bakit nandito ka?" Kunot noong tanong ko kay David nang makita ko siya sa labas ng bahay namin. Kagagaling ko lang sa pagjogging kaya nakita ko kaagad siyang nag-aabang sa harap ng gate. "Gusto lang kitang kumustahin." Sabi niya sa akin na parang nahihiya. Nakakapanibago na talaga siya, parang siya na ulit ang dating David na kilala ko. Pero ganoon pa man, hindi pa rin ako lubusang magtitiwala sa mga ipinapakita niya. Mahirap na, baka paraan niya lamang iyon, at baka may pinaplano pala siya. "Okay lang naman ako. Mas okay kaysa noong mga nakaraang araw." Sagot ko naman sa kaniya habang itinatali ang aking buhok. "Mabuti kung ganoon." Sabi ni David sabay iwas ng tingin. "May sasabihin ka pa ba?" Tanong ko nang mapansin na parang naiilang siya. "Well, since nak