-Shania's POV- "Good morning Mommy, good morning Dad-what is he doing here?" Kunot noong tanong ko nang makita ko si Lawrence na nakaupo sa isa sa mga upuang naroon sa dining room. I told him to give me time, pero bakit nandito na naman siya? "Good morning babe." Nakangiting bati sa akin ni Lawrence. Isang matalim na tingin ang ibinigay ko sa kaniya. Napaikot naman ang mga mata ko nang marinig ang paghagikhik ni Mommy. "Move!" Mataray na utos ko kay Lawrence nang mapansin kong magkatabi kami ng upuan. Isang ngisi lamang ang ibinigay niya sa akin na nagpainit ng ulo ko. Wala na akong nagawa nang si Daddy na mismo ang nagpilit sa aking maupo sa katabing silya ni Lawrence. "Sarap mong sakalin, bwisit ka." Mariing bulong ko. He just chuckled. “Damn you…” Kukunin ko na sana ang bandehado