-Shania's POV- "Tapos ka na bang mag-ayos ng mga gamit mo?" Tanong sa akin ni Lawrence. Ngayon na kasi ako lilipat sa condo niya. Pwede naman sanang 'wag na lang, kaya lang mapilit siya. Mahinang tango lamang ang isinagot ko sa kaniya at nagpatiuna na ako sa paglabas ng condo ko. "I already cooked your dinner. 'Wag mo na akong hintayin baka malate ako nang uwi." Napatingin ako bigla kay Lawrence. "Work?" Tanong ko habang nakatingin sa kaniyang mga mata. "Yes." Sagot niya sabay iwas ng tingin. Si Kyla na naman ba? "Okay." Sagot ko at pilit ang tawang pinakawalan. Ipipilit ko pa ba? Susubukan ko pa ba o kailangan ko na talagang sumuko? Wala bang ibig sabihin ang paghalik niya sa akin kahapon? Masaya lang ba talaga siya kaya niya ako nahalikan? Siguro nga, dapat ko nang pakawalan