bc

The Unwanted Lover

book_age18+
370
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
HE
heir/heiress
sweet
bxg
wild
like
intro-logo
Blurb

Sabiana Zoreta was bought for fifteen million pesos.

She's working as a prostitute in an elite club at a very young age, twenty. Doon siya dinala para ibenta at isali sa auction.

She was kidnapped at the age of three by her father, but questioned why did he sell her when she grew up? Mayroon bang ama na kayang magbenta sa sariling anak? Mayroon, tatay niya.

Pinalaki siya para gawing bayaran pero hindi lamang basta isang gabi ang gusto ng lalaking bumili sa kanya. He wanted her to be his lover, and he is Lennox Montebello of the underground organization, Costa Nostra.

chap-preview
Free preview
P R O L O G U E
Sabby "Sabiana!" Mabalasik na boses ang nagpaitlag sa akin habang sinisimot ko ang bigas sa aming lalagyan. Nakapagtataka dahil kabibili ko lang naman kahapon ng bigas, matapos kong makapag-side line sa mansyon ng mga Montebello. Pinagtitiisan ko ang napakagaspang na ugali ni Senyorita Claudia para mapakain ko ang dalawa ko pang kapatid na bunso, pero anong saklap na wala na naman akong maisasaing? Ubos na ang sahod ko. Kinuha ni Papa ang natitira kong pera. Umaasa ako na hindi niya pakikialaman ang mga pagkain ng mga kapatid ko pero heto, halos pa sigurong one-fourth ang natirang bigas sa aming taguan. Tumingin ako sa lalagyan ng mga de lata. Sa pagkakatanda ko ay bumili rin ako ng mga itlog at ng mga sardinas. Iyon na nga lang ang kaya kong madalas na ipakain kina Bambi at Bamba, nawala pa. Anong saklap naman? "Sabiana!" Bulyaw ni Papa. Napatingin ako sa pintuan ng kusina, na natatakpan lamang ng kurtinang kulay Green. Galit ang mukha niya at pawis na pawis. Naglakad siya malamang mula sa labasan, papasok dito sa aming barung-barong. Sigurado ay galing na naman siya sa pasugalan. Doon na halos siya tumitira. Ni pagkain naming magkakapatid ay hindi na niya maalala man lang. Kahit na sana para na lamang sa dalawa kong nakababatang kapatid ang pagkain, masaya na ako. Twelve years old pa lang sila, at hindi tulad ko na kaya ng makapag-sideline kahit na paano. "Umayos ka," sabi kaagad ni Papa at hinawakan ako sa braso, hila ako. "S-Sandali, Pa. B-Bakit? Magsasaing ako para sa mga kapatid ko." "Anong isasaing mo, kaldero?" Pilosopo niyang tanong sa akin. Uminit ang ulo ko at kaagad na nangilid ang mga luha ko sa mata, nang makita ko na nakatingin ang mga kapatid ko, takot. Magkayakap ang mga ito. Kahit na kita kong mas mahal sila ni Papa sa akin, mahal na mahal ko ang mga ito. "Kung hindi mo kinuha ang bigas sa lalagyan, may isasaing ako para kina Bamba at Bambi!" Galit kong sagot kay Papa at sukat doon ay agad siyang pumihit, binigyan ako ng sampal. Napaiyak nang tuluyan ang kambal, at ako naman ay parang naliyo at nabingi. Napahikbi ako dahil parang namanhid ang kaliwang parte ng mukha ko. "Wala kang karapatan. Tandaan mo na kaya ko kayong hindi uwian. Ang nanay mo ayun, wala ng pinoproblema sa buhay niya matapos niyang mangabit! Ako, nandito nagtitiis na kasama ka!" Bulyaw niya sa akin. "Sumama ka sa akin at may utang akong dapat bayaran kay Miss Villagracia! Magserbisyo ka sa kanya at ako na ang bahalang magpalamon sa mga kapatid mong paslit." "Ate…!" Pumalahaw ng iyak ang dalawa kong kapatid kaya naiyak din ako. Lumingon ako sa kanila, "Babalik ako. Magtatrabaho lang si ate. Pagbalik ko may pagkain akong dala," sabi ko sa kanilang nakangiti. Iyon lang naman ang mahalaga sa tulad namin na mas mahirap pa daga, ang makakain kahit dalawang beses sa isang araw. Kaya nagsusumikap ako na makapagtapos dahil gusto kong makaahon sa kahirapan. Gusto kong hindi maranasan ng mga kapatid ko ang hirap. Ano bang aasahan ko sa nanay nila? Hostess din si Digna at hiwalay na sila ni Papa. Iniwan ang mga bata rito, mga baby pa. Lumayas iyon na parang wala lang maiiwan na mga anak. Sa napakabata kong edad ay natuto akong mag-alaga ng mga bagong panganak na sanggol, dalawa pa. Kapag wala akong maipagatas dahil hindi naman nag-aasikaso si Papa, sabaw ng sinaing ang iniinom nila, NFA pa. Hindi ko na mawari kung anong buhay ang mayroon kami, at bakit hindi man lang kami pinalad? "Babalik ako. Tahan na," sabi ko muli kina Bamba at Bambi. Tumango sila at noon lang ako napanatag. Pangako ko yun sa kanila pero hindi natupad… … Sumakay kami ni Papa sa isang van, kulay itim na makintab, bagung-bago. Doon sa loob ay nakita ko ang isang babaeng napakaikli ng buhok, kulay pula. Nakasuot iyon ng leather na mini skirt at isang cropped top na itim. Tiningnan ko lang yun. "Naligo man lang ba ang anak mo?" Parang diri na tanong ng babae kay Papa. "Nag-aasikaso pa kasi, Miss V kaya hindi pa maayos ang itsura. Doon mo na lang papagpaliguin sa bahay niyo," anaman ni Papa. Nakatingin ako sa dalawa. Kung titingnan ko ang babae at babalasahin, mukha iyong isang babaeng tagapagbigay ng aliw, pero ayokong manghusga. Di ko ugali yun. Baka ganun lang talaga siyang manamit. "Ano pa nga ba?" Irap ni Miss V. "Ayusin mo ang trabaho mo, Sabiana, ha," paasik na utos sa akin ni Papa nang balingan niya ako, "Malaki ang utang ko kay Miss V. Kung gusto mong kumain ang mga kapatid mo, ayusin mo ang trabaho mo sa kanya! Naiintindihan mo?" Tumango ako. Marunong naman akong maglinis ng bahay. Kahit na hindi maganda ang bahay namin ay kaya kong mag-asikaso ng mansyon dahil iyon ang hinagawa ko sa mansyon ng mga Montebello... Iyon ang akala ko, magiging kasambahay ako pero hindi pala. Akala ko lang pala yun dahil ngayong gabi ay narito ako sa isang casa. Pinagsuot ako ng isang puting panty at puting bra. Ang sabi, ang casa na ito ay nasa dagat kaya hindi kami makakatakas. Dinala kami rito ng helicopter, at kahit mamatay-matay na ako sa takot, wala naman akong nagawa. Kapag nanlalaban ako ay tinatakpan nila ng panyo ang ilong ko, nahihilo ako at nagigising ako ay halos wala na akong maalala. Ilan beses na iyon ginawa sa akin kaya sumuko na lang ako. Ako rin naman ang nahihirapan. Pinaganda nila ako sa loob ng maraming araw o linggo siguro. Pinakakain nila ako ng mga prutas at lahat ay halos binago sa akin. Ang mga kuko kong pudpod ay tinapalan nila ng plastik na kuko, na hindi matuklap-tuklap. May pinta ang mga iyon ngayon ng kulay puti sa dulo at colorless na lahat. Ang buhok ko ay kinulayan nila, brown na namumula. Araw-araw nila akong kinukuskos at pinapahiran nang kung anu-ano. Inaalagaan nila ako nang husto. Dapat mga matuwa ako dahil doon pero hindi, dahil hindi ko naman alam kung anong dahilan kaya nila yun ginagawa. Hindi ko makumpirma pero parang alam ko na. Gagawin nila akong bayaran. Pinatatag ko ang sarili ko. Ayaw kong umiyak pero tahimik na pumapatak ang mga luha ko, lalo kapag nakikita ko ang mga kababaihan na umiiyak din, dahil ang akala raw ng mga iyon ay pagiging katulong din ang pinasok na trabaho. Mabuti sila maling akala, samantalang ako ay binenta ng sarili kong Papa. Yumuko ako, sinipat ang sarili ko. Nakakailang ang suot ko. Nakatingin sa akin ang mga lalaking nagbabantay sa amin. Naririnig ko sila dati pa, na ako raw ang pinakamagdadala ng pera sa amo nila. Hindi ko alam kung bakit nila sinasabi iyon hanggang sa may duktor na pumunta kamakailan at pinaghubad ako. Pinagbukaka ako ng babae sa harap niya at may tiningnan sa pagkababae ko. Ako lang daw ang birhen sa labinlimang babaeng kasama ko sa kwarto. Kaya ngayon, isasalang na nila ako sa bidding. Akala ko ay sa TV ko lang napapanood ang ganito, sa totoong buhay din pala ay meron. Hindi ko kailanman inasahan ni sa bangungot man na mangyayari sa akin. Sana makatakas pa ako sa impyernong ito at matupad ko ang mga pangako ko sa mga kapatid ko na babalikan ko sila...

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
89.0K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.3K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
72.2K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook