Hindi ko sinagot si Stryker nang tanungin niya ako. Hindi ko siya sinagot dahil ayaw kong sumagot, kundi dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. Paano ko sasabihing may nararamdaman na ako para sa kanya pero narinig kong may binabalak siyang masama sa papa ko? Gulong gulo ang isip ko kaya naman itinulak ko na lamang siya at pumasok sa loob bago isinara ang pinto at ini-lock. Kinatok ni Stryker ang pinto at pinipilit akong makipag-usap sa kanya. Naupo ako sa likod ng pinto, idinikit ang mga tuhod sa dibdib ko at saka yumuko para itago ang mukha ko roon habang umiiyak. Muling kumatok si Stryker. “Ayla… kung narinig mo iyong huling sinabi ko, please disregard it. I didn't mean to say that. My friend's teasing me and my answer isn't sincere. Hindi totoo iyon.” Bakit? Ano bang totoo?
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


