Kabanata 12: Bastos.
Ayla’s POV:
PAGKAUPO ko sa harap ng lamesa, sumunod naman si Stryker. Naupo siya sa tabi ko at saka ako nginitian.
“Nauna kang lumabas kaysa akin. Saan ka galing?” takang tanong ko.
Nginitian niya ako. “May tumawag lang, sinagot ko.”
Marahan akong tumango. Hindi ko alam kung bakit nararamdaman ko ito pero pakiramdam ko ay nagsisinungaling siya. Pero imbes na isipin pa iyon, nagkibit-balikat na lamang ako at saka ibinaling ang tingin kay Papa.
“Good morning, Papa! Nasaan si Mama?”
“Nasa likod-bahay siya. Nagkasalubong kami kanina,” si Stryker ang sumagot.
“She will come here later. Parating na ang almusal,” sagot ni Papa. At saka niya inilapag ang tablet niya sa ibabaw ng lamesa.
Hindi ko talaga gusto na gumagamit si Papa ng gadget sa harap ng hapagkainan pero wala naman akong magawa dahil noong minsang sinaway ko siya, ako pa ang napagalitan. Ang sabi niya sa akin, may mga importante raw kasi siyang trabaho na kailangan niyang ayusin na hindi niya kayang ipagpaliba kahit sa hapag-kainan… na hindi ko naman nakikita! Puro fesbuk lang naman ang ginagawa niya!
Ilang saglit lang ay dumating na ang kasambahay at inilapag ang mga pagkain sa lamesa. Tahimik lang kami habang hinihintay na matapos ang paglalapag ng pagkain at saka lang ako nagsandok ng pagkain. Ngunit nasa kalagitnaan na ako ng pagsasandok nang magsalita si Papa.
“Simula ngayon, dapat pinagsisilbihan mo na ang asawa mo,” aniya.
“P-po?” takang tanong ko.
“Because he is your husband, you should serve him well. Hindi iyong hinahayaan mo lang siyang magsandok ng sarili niya,” sagot ni Papa.
Ilang saglit pa ay dumating na si Mama at siya nga ang nagsandok ng pagkain papunta sa plato ni Papa. I remembered her doing that all these years and I find nothing wrong with it. Pero hindi ko naman talaga mahal itong si Stryker, kaya bakit ko gagawin ‘yon?
Pero para hindi na humaba pa ang usapan at hindi magsuspetya si Papa, kinuha ko ang bowl ng kanin at ipagsasandok sana si Stryker pero pinigilan niya ako.
“You don’t have to, may mga kamay akong kaya kong gamitin para ipagsandok ang sarili ko,” sagot ni Stryker. “I’m sorry, Papa. But I disagree with you. I will do it myself, I don’t want to burden my wife.”
Kinabahan ako sa naging sagot ni Stryker!
“Sinasabi mo bang pabigat ako sa asawa ko?” taas ang kilay na tanong ni Papa.
Nanlaki ang mga mata ko at siniko si Stryker. “Ano ka ba naman, bakit sinabi mo ‘yon?” pabulong na tanong ko.
“Hindi naman po sa gano’n. There are women who love serving their husbands just like Mama, your wife. Pero kung hindi iyon gusto ni Ayla, I won’t push her to do it. Gusto kong masunod ang lahat ng gusto niya,” sagot ni Stryker.
Na mukha namang sinang-ayunan ni Papa. “Well, iyan ang gusto mo. I-spoiled mo ang asawa mo, basta huwag mo lang sasaktan.”
Ngumiti si Strker at saka nagpatuloy sa pagsasandok ng sarili niyang pagkain. Kinabahan ako roon, ah! Akala ko mag-aaway sila ni Papa! Habang kumakain, nagkukwentuhan silang tatlo habang ako ay panay lang ang sagot sa mga tanong nila.
“Ano nga ulit ang trabaho mo?” tanong ni Papa kay Stryker.
“Ako po ang director ng school na pinagtatrabahuan ni Ayla,” sagot ni Stryker.
“Oh! That’s good though. Ang bata mo pa para maging director. Ibig bang sabihin, ikaw ang susunod na magiging CEO?” tanong muli ni Papa.
“Medyo malayo pa po iyon but I would love to.”
Ngumiti si Papa at nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos kaming kumain, nagpahinga lang kami saglit, kinuha na ni Papa at ni Stryker ang mga bagahe ko. At nang mailagay na ‘yon sa likod ng sasakyan ni Stryker, humarap ako kay Mama at ngumiti.
Naluluha ang mga mata ni Mama nang tumingin ako sa kanya. “Mama, huwag ka nang umiyak. Dadalaw naman ako rito nang madalas.”
Pinunasan ni Mama ang luha sa gilid ng kanyang mga mata. “Hindi naman iyon ang iniiyakan ko, e. Akala ko talaga hindi na tayo aabot sa puntong ito.”
“Ha?”
“Akala ko hindi ka na mag-aasawa!” bulalas ni Mama.
“Mama naman!”
“Hindi mo ako masisisi, matagal ka naming inilapit sa iba’t ibang lalaki pero palagi kang tumatanggi. Akala ko talaga, wala kang interes sa pag-aasawa!”
Lumapit sa akin si Stryker at inakbayan ako sa balikat. “Ma, hinihintay niya lang talaga ako.”
“You’re right!”
“O sige na, umalis na kayo at mamaya ay may simba,” sabi ni Papa. “Huwag na huwag n’yong kalimutang magsimba mamayang gabi.”
“Magsisimba?” takang tanong ni Stryker.
“Oo nga pala. Gusto ko sanang magpa-convert ka sa relihiyon namin. Pero gusto kong malaman mo muna kung paano ang patakaran namin bago ka sumama sa amin,” ani Papa.
“I’m willing,” s**o ni Stryker. “Whatever it is, Papa.”
“Good. Sige na, you can go.”
Pagkatapos naming magpaalam sa isa’t isa, saka pa lang kami umalis ni Stryker. Habang nasa byahe, hindi ko maiwasang tanungin siya.
“Sigurado ka bang magpapa-convert ka sa relihiyon namin? Hindi naman kailangan!” sabi ko. “Mahihirapan kang bumalik sa relihiyon mo kapag nag-divorce na tayo.”
“Malay mo magustuhan ko,” ngumisi si Stryker saka sumulyap sa akin. “At malay mo magkagustuhan talaga tayo.”
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya! “Anong sinasabi mo r’yan?”
“Wala, sabi ko we’ll go there later,” sagot niya.
Rinig na rinig ko ang sinabi niya kanina. “Malabong magkagusto ako sa ‘yo, never!”
“Ah, talaga? Do you want me to record that?” taas ang kilay na tanong niya.
“Bakit ba masyado kang confident?”
“Because I know that in no time, you’ll fall for me.”
“Asa!”
“Hindi mo pa kasi ako natitikman kaya hindi ka pa na-f-fall.”
“Bakit kita titikman? Pagkain ka ba?”
Bahagyang natawa si Stryker at saka kumindat. “Hindi ako pagkain pero mabubusog ka ng siyam na buwan kapag kinain mo ako.”
Naramdaman ko ang pag-init ng magkabila kong pisngi nang dahil sa sinabi niya. Alam ko ang ibig niyang sabihin, dahil ganyan ang madalas na lumalabas sa bibig ni Ma’am Lara!
“Bastos!” bulalas ko.
“Hintayin mo mamaya kapag nakarating tayo sa bahay, babastusin talaga kita.”
Imbes na magsalita pa, itinikom ko na lang ang bibig ko at baka kung ano pa ang lumabas na sagot sa bibig niya. Mahabaging langit, hindi ko mapigilang imagine-in ang tungkol sa sinasabi niya. Pero hindi… hindi ako bibigay sa kanya, never!