" Ma'am, bawal po kayong pumasok. " awat ng guard kay Levigne sa patuloy nitongp ilit na pagpasok sa loob ng mansion. Naroon na rin angi lang kasambahay na handang humarang dito kapag nagpumilit. Iwinasiwas ng babae ang bag nito sa mukha ng guard ngunit maagap ito at nasalo ang braso ng babae. Siyang dating ng mga sasakyan na sinakyan kanina nila Dreco. Bumaba sa isa sa mga sasakyan si Johnson na nakakunot ang noo at halos magkadikit ang kilay. " Anong kaguluhan ito? Ikaw na naman? " dumadagundong ang boses ng bungad ni Johnson. Binitawan ng guard ang braso ni Levigne at nameywangn aman sa harap ng bagong dating na lalaki ang babae. Balak pa sanang magwala ni Levigne nang sumulpot sa tabi ni Johnson ang mga naglalakihang bodyguard na nasa harapan niya ngayon. Pinasadahan niya ng tingi