Caleb's POV Maalingsangan ang kapaligiran at iilan lamang ang taong dumaraan sa madilim at makipot na eskinita na akin ngayong dinaraanan. Pabalik na ako ngayon kung saan ko nai-park ang sasakyan ko kanina. Looban kasi ang bahay ng kaibigan ko na pinuntahan ko kanina. Kasamahan ko ito agent. Tunay na iilang tao lamang ang nakakaalam ng aking tunay na trabaho. Isa akong secret agent at lubos itong delikado kaya naman masyadong sekreto ang lahat ng detalye ng aking pagkatao upang mailayo sa kapahamakan ang lahat ng aking mahal sa buhay. They always see me as cool and nice guy na siyang kabaliktaran sa hanapbuhay ko at kung paano ako kumilos kapag trabaho na ang pinag-uusapan. Malapit na sa ako sa pinakakanto kung saan ay kailangan ko ulit lumikom sa isa pang mad