Chapter 5

1985 Words
Leana's POV Hindi pa rin nito inaalis ang pagkakatitig sa akin. Hindi ako maaring magkamali ng hinala! Nakikilala ako nito. Ang lalim ng pagkakatitig nito na tila gusto akong lamunin ng buhay. Gusto ko man ihakbang ang mga paa ko palayo ngunit tila nakaglue ang mga ito sa tiles na sahig ng mall. "There you are!" without a smile he whispered. Napakahina pero naiintindihan ko sa mga buka ng labi nito ang bawat katagang binibitawan niya. Walang ngiti man niya iyong sinabi ngunit matapos mabigkas ang mga katagang iyon ay isang ngisi ang binigay nito na nagpatayo sa mga balahibo ko. Namilog ang mga mata ko sa ginawa nito ngunit tila iyon ang nagpagising din ng sistema ko. Naihakbang ko ang mga paa ko paatras ngunit kita ko rin ang biglang paniningkit ng mga mata nito sa ginawa. Isang kabadong at nakakalokong ngisi ang ginawa ko bago mabilis na tumalikod at tinakbo ang daan na hindi ko alam kung ano ba ang aking babagtasin na lugar. Nagmadali akong patuloy na tumatakbo habang sumisigaw si Mr. Montecarlo. "Hey! Woman, stop running! Don't make it hard for me." sigaw niya ngunit wala akong plano huminto at baka kung ano ang gawin nito sa akin. Ayokong mapabilang sa mga babaeng kinasuhan nito. Wala akong pampiyansa para ilabas ang sarili ko sa kulungan. Bata pa ako! Ayokong makulong. Ang tangi kong sigaw sa aking isipan. "Get her!" rinig kong tila utos nito sa mga tauhan nito na lalong nagpalala ng kaba sa aking dibdib. Lalo kong tinulinan ang pagtakbo. Isang hagdan na may mga ilang baitang lang ang nasilayan ko mula sa malayo. Mabilis kong itong tinakbo at lumusot ako sa pinaka-food court ng mall. Napakaraming tao sa loob niyon na abala sa pagkain sa kanilang lamesa at ang iba ay nakapila sa mga food stall na nakapaligid. Pagkakataon ko itong makapagtago! "Get her, but don't touch her!" rinig kong pasigaw muling utos nito sa kung sinuman. Wala akong pakialam kung bakit ayaw ako nitong pahawakan basta ang iniisip ko ngayon ay ang malusutan ang sitwasyon na ito. Tumakbo pa ako at lumusot sa isang maliit na pasilyo kung saan naman ay puro fastfood store at reastaurants ang nasisilayan ko. Mabilis kong pinasok ang isang sikat na fastfood store at tinakbo ang banyo. Doon ako magtatago muna. Lumingon ako kung nakasunod pa sa akin ngunit mukhang wala na. Pero mainam na magtago muna. Mabilis akong pumasok ng banyo at pumasok sa isang cubicle. Ibinaba ko ang takip ng toilet bowl at naupo doon. Ang bilis ng t***k ng puso ko at nakakaramdam ako ng matinding hilo. Marahil siguro sa ginawa kong pagtakbo kanina. Inilapat ko ang ang mga palad ko sa aking bulsa ngunit labis ang pamimilog ng aking mga mata sapagkat wala roon ang hinahanap ko. Wala ang cellphone ko. Tanging ilang pirasong tag bente pesos ang naroon. Naalala ko na inilagay ko ito sa bag ko pati na rin ang perang iniabot sa akin ni Chander at iniwan sa locker kasama ng gamit ni Zandra. Napahawak ako sa ulo ko sapagkat lalo itong sumakit dahil sa pag-iisip ko. Paano ko matatawagan o mate-text si Zandra para sabihin na narito ako ngayon sa banyo ng isang fastfood store at may pinagtataguan. Subalit magtatanong din ito panigurado kung bakit ko tinataguan ang taong iyon. Nagtagal ako sa loob ng cubicle ng mga ilang minuto nang may kumatok. Kinakabahan ko itong binuksan ngunit isang ginang na nasa singkwenta pala ang kumakatok. "Matagal ka pa ba, Ineng?" nakangiti nitong tanong na tila nahihiya pa. Ngumiti lang ako at lumabas na ng cubicle. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko ay isa ito sa tuhan ng taong humahabol sa akin kanina. "May kasalanan ba ako sa kanya? Siya na nga iyong naka-score tapos hahabulin pa niya ako. Ano? Gusto pa ba niya ng take two? Masarap ka ba, Leana?" kausap ko sa sarili sa salamin ng banyo. "Ayos ka lang, Iha?" tanong ng matandang babae na tapos na palang magbanyo. Ngumiti lang ako ng alanganin at salamat dahil hindi na ito muling nag-usisa. Nagtataka ako bakit niya ako kinatok kung may iba namang cubicle ngunit pagtingin ko sa mga pinto ay puro may nakalagay na out of order. Tanging ang cubicle na pinasukan ko kanina ang available na gamitin. Parang nahiya naman ako dahil mukhang naghintay ang matanda para hintayin akong lumabas ngunit hindi na nakatiis at kinatok ako. Ngayon ang pinoproblema ko ay kung lalabas na ba ako. Sa loob ng banyo ay may floor plan. Kung ganoon ay malapit na pala ako sa pintuan ng mall upang makalabas na. Dumukwang ako sa pinto at dahan-dahang sinilip kung may nagmamasid ba sa akin. Mukhang wala, kaya kampante akong lumabas ngunit laking panlalaki ng mga mata ko ng masilayan ito na papasok ng fastfood na kinaroroonan ko. Ngunit halatang hindi pa ako nito nakikita dahil hindi ito nakatingin sa direksiyon ko. Ngunit isang paling lang nito ng ulo ay siguradong makikita ako nito. Mabilis akong dumapa na tila may hinahanap. Lumusot ako sa isang mahabang table at dumaan doon. May ilang nakaupo sa table na iyon at marahil ay nagtataka ang mga ito sa ginagawa ko. Nakita kong napalinga na ang lalaki sa gawi ng direksiyon ko. Ngunit nakatago ako sa ilalim kaya hindi ako nito nakikita. "Miss, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ng isang dalaga sa akin at dinukwang pa ako. "Ahm! May hinahanap lang ako. Hehehe!" nahihiya kong sagot ngunit kinakabahan din. Dahil sa ginawa nitong pagdukwang upang tingnan ako ay baka mapansin ito ng mga tao o higit sa lahat ay ni Mr. Montecarlo. Nakita ko na lumabas ang mga tauhan ni Mr. Montecarlo at tanging ang lalaki ang natira sa loob. Marahil ay pinapahalughog pa nito ang paligid. Talaga gusto ako nitong tugisin. Tusukin ko mata niya eh. Makita niya! Ay, hindi pala siya makakakita kapag tinusok ko mata niya. Gumapang pa ako hanggang dulo at doon ay isang lalaking nakatayo. Ang kulay brown nitong leather shoes at black slacks. Terno kami naka-black slacks! Ay, buang! Naisip ko pa iyon. Napilitan akong lumabas dahil mukhang hinihintay talaga ako nitong lumabas mula sa ilalim ng lamesa. "What are you doing down there and where do you think you're going?" hala siya! Sunod-sunod ang tanong. Ano ang unang sasagutin ko? Nakaambrissiyete ito sa harapan ko na tila naghihintay ng kasagutan sa akin. "Hala! Tingnan mo ang nangyayari sa mga tauhan mo!" biglang turo ko dito sa isang direksiyon. Buti na lang at may pagkauto-uto ito sa akin at sinamantala ko ang pagkakataon. Mabilis akong tumakbo at rinig kong muli ang pagsigaw nito. "Woman! Aren't you tired running? Come back here!" sigaw nito pero wala akong balak tumigil at makipag-english-an dito. Mabilis akong nagpasikot-sikot at tila hilo naman ang mga tauhan nito sa paghanap sa akin sa dami ng babae at di nila ako mamukhaan. Natanawan ko ang daan palabas at isang ngiti ang sumilay sa aking mga labi lalo na nang makahakbang ang paa ko sa exit ng mall. Ngunit muling napalis ang ngiti iyon dahil sa lalaking nakapamulsa at tila hinihintay ako sa labasang iyon. Alam niya yatang dito ako pupunta at mabilis niya itong napuntahan. "Now I got you!" nakangisi nitong sambit at isang alanganing ngiti lang ang sinagot ko bago tuluyang magdilim ang paningin. Dahil sa hilo at matinding pagod katatakbo ay nanghihina na ako. "F*ck! Whats happening to you?" sa natitira kong diwa ay rinig ko pa ang nag-alala nitong boses at ramdam ang matitikas na brasong sumalo sa akin bago pa man ako tuluyang lumagapak sa tile na sahig. Ngayon hindi ko alam kung siya ba ay isang knight in shining armor ko o ang dragon na handa akong bugahan ng apoy. Dreco's POV I was tired running and trying to follow her, this also my first time na magtatakbo sa sarili kong mall. Hindi alam ng nakararami ngunit ang meaning ng JDM Mall ay Jake Dreco Montecarlo Mall. She makes my heart skips more sa pagkikita namin ngayong muli pero daig pa nito ang marathon runner sa pagtakbo. Mukha ba akong nangangain ng tao at takot na takot ito sa akin. Well! Maybe because of the issues that some are true at ang iba naman ay exaggerated pero wala akong pakialam. I just want to have her at siya lang ang nagpaganito sa akin. Pero pinahihirapan niya ako at nababaliw na ako kakahanap sa kanya. Alam kong dadaan ito palabas ng mall kaya mabilis kong tinahak ang exit sa short cut na alam ko. Doon ay nagtago ako at hinintay ito na lumabas. "Boss!" sigaw ng tauhan ko. This guards of mine are great hunter and fighter at napatunayan ko na iyan. Pero kanina ay babae lang ang pinahahanap ko pero di pa makita at ako pa rin ang nakahanap. Hindi raw kasi nila kilala at tanda ang babaeng pinahahabol ko dahil malayo na ng habulin nila. "Leave! Baka matakot at hindi na siya lumabas dito." pagtataboy ko dito. Napakamot lang ito ng ulo at umalis na. At hindi nga ako nagkamali ng hinala. Dahil mula sa tinataguan ko ay natanaw ko ito. Nang makita ko ito ay hindi ko mapigilan na mapangiti rin. Nagiging iba talaga ako kapag siya na ang nakikita ko. I still remember how I fell for her nang una ko siyang masilayan mula sa stage ng party. From that day pinangako ko na magiging akin siya. Kaagad akong lumabas at nagpakita dito. Pero labis ang pagkabigla ko ng bigla itong mawalan ng malay. Mabilis ang pagkilos ko at sinalo ito bago pa man tuluyang humandusay. "Johnson! Get the car, dadalhin natin siya sa hospital or sa kahit saan na malapit na clinic." utos ko sa tao ko na nasa di kalayuan lang. Kaagad itong sumunod at kalong-kalong kong sinakay ang babaeng kahit ngayon ay hindi ko alam ang pangalan. Wala itong bag o anuman para makita kung may id ito. Mabilis namin siyang naitakbo sa isang maliit na private hospital. Kaagad siyang inasikaso ng doktor doon. "Marahil dahil sa gutom kaya siya nahimatay. But I also got one suspicion." sambit sa akin ng doctor habang nakahiga sa hospital bed ang dalaga. "Ano po iyon, Doc?" tanong ko dito. "With her looks, mukha siyang buntis. But we need to take pregnancy test. Quantitative blood test ang gagawin natin sa kanya para pwede na natin magawa ngayon dahil blood lang niya ang gagamitin natin." nanlaki ang mata ko sa narinig. Don't tell me that I'm going to be a father soon? Hindi ko mapigilan na mapangiti at maging masaya. "Mga ilang oras lalabas na ang result so by time na magising siya ay may resulta na. By the way, please give her information sa nurse for the record." sambit ng doctor at nagpaalam na. Just put Mrs. Montecarlo." utos ko sa nurse at kaagad naman niya itong sinulat. Ni hindi ko kasi alam ang first name niya kaya iyon na lamang sa ngayon. Hindi na man magtatagal at iyon na rin ang magiging apelyiso niya Almost five hours ang hinintay ko at lumabas na nga ang result. "It's positive, congratulation!" nakangiting bati sa akin ng Doctor at kinamayan pa ako. Naramdaman namin ang biglang paggalaw ng babaeng nagpahulog sa puso ko. Nandidilat ang mga mata nitong nakatitig sa amin ng Doctor. Marahil ay takang-taka ito sa nangyayari at pakurap-kurap pa ito ng mga mata ngayon. Nakakatuwang pagmasdan ang babaeng ito na tila walang pakialam kung maganda ba ito o hindi sa hitsura nito ngayon. Ngunit kahit gulo-gulo pa ang buhok nito dahil sa ilang hibla ng buhok na nagulo mula sa pagkakatali ay nakapaganda pa rin nito. "Anong nangyayari?" labis ang pagtataka sa boses nito at naroon din ang takot. Pinilit nitong makaupo at akmang tatayo pa ngunit hindi pa nito kaya dahil nanghihina pa ito. "You are pregnant, Mrs. Montecarlo. Congratulation." bati sa kanya ng Doctor. "What?! Oh my gosh!" natuptop nito ang bibig habang nanlalaki ang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD