Dreco's POV Mabilis kong kinalong ang walang malay na katawan ni Leana. Napatingin ako sa mukha nito at nasilayan kung gaano ito kaputla pero sa tindi ng kabang nararamdaman ko marahil ay mas maputla ako dito ngayon. Mabilis kong tinahak ang daan patungong garahe at sumigaw. " Ang kotse bilis! Sa malapit tayong hospital ngayon. " sinusubukan kong kumalma ngunit iba ang lakas ng kabog ng dibdib ko. Pinakatatagan ko ang braso kong nanginginig dahil sa tkaot sa maaring mangyari sa karga ko ngayon. Hindi ito pwedeng mawala sa akin. " Dreco! " tawag ng isang babaeng tila nagmamakaawa. Lumingon ako dito at binigyan ito ng isang malademonyong tingin na kung masusunog lang ito sa nag-aapoy kong tingin ay malamang na abo na ito.