Leana's POV Hindi mapigilan mapaningkitan ng mga mata sa patuloy na pagtawa ng lalaking kaharap ko. Napahigpit ang hawak ko sa magkabilang kamay ng kutsara at tinidor. " Masaya ka ba? " sa seryosong tono ay tanong ko dito. Bigla naman ito nanahimik mula sa malakas na paghagalpak nito sa halos sampung minuto. Nakatingin na sa amin lahat ng staff at ang iilan na costumer na nasa hindi kalayuan sa amin ang lamesa. Rinig ko ang pagtikhim nito. Umupo ito ng tuwid at inayos ang postura bago tumingin sa akin at bigyan ako ng isang alanganin na ngiti. " I'm sorry! i just can't help but laugh. Ang cute mo kasi. " napatango na lang ako ng marahan. Salamat ito at maganda ang sagot niya kung hindi ay magwo-walk out ako.