Chapter forty six// ANDY’S POV’S “wala pa bang balita sa kung sino mastermind ng nangyare?” tanong ni Charee “nagtago silang lahat sabi ng mga tauhan naming” –Kieffer “ganun din sinabi ng mga tauhan ko, pero hindi sila titigil mag imbestiga” –Oliver Ang tinutukoy nila ay ang nangyare kanila Oliver, Stanly at Kieffer nitong mga nakaraan, mas malala naman nangyare kay Shon, nagresign agad agad bilang personal body guard ko tapos ngayon, wala pa sya, hindi sya nagtetext saken kung nasaan sya. “nasaan ba si Shon?” “naghahanap ng mapagtatrabahuan” sagot ko sa tanong ni Stanly “yang Ken na yan sya pasimuno ng lahat”-Kieffer “mahirap na magbintang, baka kung ano nanaman mangyare, tignan mo nga kung gaano kalaki ang gulong nangyare sa pagbibintang niyo, pati mga estudyanteng walang kaalam