NASAAN NA KAYA ang asawa ko? Maya-maya ay dumating si Vince, at kapagkunwa’y iniluwa ng pinto ang asawa kong nakahiga sa hospital bed. Nang igala ko ang mata kanina ay napansin kong pinili niya ang pinakamalaking kuwarto sa hospital. It’s a suite, at sa laki nito ay kasya pa ang isang kama. Kahit nagpirmahan kami ng annulment papers kagabi ay inalagaan pa rin niya ako. Kahit masama sa kanya ang magpuyat ay hindi natulog. At ngayon ay magkasama kami sa kuwarto at nasa hospital bed rin siya. Sh*t! I could strangle Sam for this. Ano ba ang problema niya? “Hey, bud, you’re finally awake,” bati ni Vince sa akin. May bahid ng dugo ang polo nito, marahil nang binuhat niya si Pinky kanina. “Hey, bud. How is she? How’s the baby?” may bahid ng pag-aalala ang tanong ko sa kanya. “They’re both fi

