Chapter 9 LIGAYA'S POV Sobrang bilis ng kalabog ng aking dibdib ngayo'y naka dikit ang aking ulo sa malapad at mainit na katawan ni Dakila. Ang isa nitong kamay naka-hawak sa aking ulo at naka-alalay para proteksyonan ako samantala naman ang isa nitong kamay naka hawak sa aking pulsuhan, na maka ramdam ako ng init at kakaibang kuryente na nanalaytay sa katawan ko. Naririnig ko na mismo ang malakas na kalabog ng aking dibdib at init na rin na tumatama ang katawan namin. Sa isang iglap, naging blangko ang isipan ko, sa ilang segundo na mag kadikit ang katawan namin na maririnig ko na lamang ang mabigat na pag hingga nito. Lumunok ako ng laway, biglang nanuyuan ang aking lalamunan sa bilis ng pangyayari kaya't naman dahan-dahan naman ako tumingala para tignan ito, at nakita ko na lamang s

