Chapter 1

3125 Words
Chapter 1 LIGAYA'S POV "Magandang umaga Ligaya." "Magandang umaga, Ligaya." Iilan lamang iyan sa mga bumabati kay Ligaya na maka salubong nila ang binibini sa daan. Siya lamang si Ligaya Cabuang. Matangkad at kay itim na parang gabi ang kaniyang mahaba at hanggang baywang na buhok,na tinatanggay sa bawat pag-ihip ng hangin. Nag mana si Ligaya sa kaniyang Ina na kulay nyebe ang kaniyang kutis, na lalo pang tumingkad ang kaniyang balat sa suot nitong puting bestida. Mamula-mula din ang pisngi at labi ni Ligaya, at ang kaniyang mga mata kulay kayumanggi. Katamtaman lamang ang tangkad at hubog ng katawan ni Ligaya kaya't maraming mga kalalakihan sa kanilang baryo ang umiibig at nag ka-kagusto dahil na rin sa kaniyang natatangging kagandahan. Maliit lamang ang kinagisnan na bayan ni Ligaya iyon ang Palanan Isabela kong saan na siya lumaki at nag kaisip. Maliit lamang ang kanilang baryo, at sagana naman iyon sa mga mayayaman na mga produkto na kanilang tinatanim na mga gulay at prutas. Napapalibutan ng mga kahoy at bundok na ang kanilang baryo, tahimik at malayo sa bayan. Aabutin ng mahigit lima o anim na oras ang kanilang babaybayin na lalakarin, bago maka rating sa bayan. Pahirapan din at kong minsan walang dumadaan na mga sasakyan o motor dahil masukal at delikado rin ang daanan papunta sa kanilang Nayon. Wala ka rin makikitang na mga matatas o malalaki na mga establishmento ang kanilang Nayon. Hindi na rin sila naabutan ng signal sa cellphone at kahit na rin kuryente wala rin sila.. Kong totoosin napang-iiwanan na ang bayan nila ng mga uso dahil na rin wala naman silang abilidad at kakayahan dahil nga malayo na ang kanilang lugar. Pinapamahala ng isang kilalang lider ang kanilang Nayon na si Datu Magwat, at masasabi mo talaga na kahit salat man sila sa pamumuhay. Napaka-ganda naman ang kanilang pamumuhay at mababait pa ang mga tao. "Bilisan mo Lira sa iyong pag lalakad at baka mahuli tayo." Mahinang wika ni Ligaya sa kaniyang nakaka-batang kapatid na naka sunod lamang sa kanyang likuran. Nilawakan ni Lira ang pag-lalakad para maka-uwi kaagad sila sa kanilang munting tahanan. Pareho hawak nila ang basket na yari sa abaca at puno ang mga iyon ng mga sariwang mga prutas na kanilang inani sa kanilang munting lupain. Dose anyos pa lamang si Lira. Matangkad at tahimik lamang si Lira pero kagaya ito ng kanyang kapatid na si Ligaya na hindi rin pinag kaitan sa kagandahan. "Sige po Ate," magalang na wika ni Lira. Nag patuloy lamang sila sa pag lalakad, na makaka salubong nila ang iba sa kanilang mga ka-baryo na katulad din nila na maagang gumigising. "Ligaya." Pareho sila natigilan na mag kapatid na marinig ang munting pag tawag sa kanyang pangalan. Huminto si Dolores na kaidaran niya lamang kasama ang dalawang kaibigan na madalas nitong kasama na si Benilda at si Hiraya "Magandang umaga sa'yo Dolores." Magalang na pag-bati ni Ligaya sa munting Binibini, at nag bigay galang siya dito. Umawang lamang ang gilid ng labi ni Dolores at paraan na titig niya kay Ligaya puno ng galit. Lingid kasi sa kaalaman na may lihim na inggit si Dolores kay Ligaya, dahil na rin nahigitan siya ng kagandahan nito. Lumapit si Dolores sa harapan ni Ligaya. "Naka hanap kana ba ng iyong iniibig?" Hindi na nag paligoy-ligoy pang tanong ni Dolores dito, na mahulaan naman kaagad ni Ligaya ang ibig nitong sabihin. "Nalalapit na ang seremonya ng ka-pyestahan sa ating Nayon. Alam mo naman siguro ang ibig sabihin no'n, hindi ba?" "Oo, at hindi ko nakaka-limutan ang bagay na iyon Dolores. Huwag kang mag-alala, hindi nawala sa aking isipan ang nalalapit na seremonya." Magalang na wika ni Ligaya, na hindi naman nagustuhan ni Dolores ang sinabi nito. "Mabuti naman at hindi mo nakaka-limutan." Ang tono ng pananalita nito may laman ng galit. "Lider ng Nayon na ito ang aking Ama, at kaugalian na pinag didiwang tuwing sumasapit ang ka-pyestahan na lahat ng mga babae sa ating Nayon, na itakdang ipaka- kasal kapag sumapit na ang edad sa labing siyam na taong gulang." Lumawak ang ngiti sa labi ni Dolores at hindi na lang kumibo pa si Ligaya, bagkus may pait sa kanyang mga labi. "Oo Dolores, salamat sa iyong pag-papaalala." Wika nito at para mag bigay galang sa anak ng Lider ng kanilang Nayon. Buong galang silang mag kapatid na yumuko sa harapan nito. "Mauna na kami sa'yo, Binibining Dolores," matamis na ngumiti si Ligaya at sinulyapan ng tingin ang kanyang nakaka-babatang kapatid na nakikinig lamang sa kanilang pinag-uusapan. "Halika na, Lira at baka tayo'y mahuli." Nag paalam na sila dito at tumalikod na para maka panhik na sa kanilang munting tahanan. Nakaka-ilang hakbang pa lang sila ng kanilang mga paa, na mag pahabol pa si Dolores ng sasabihin kaya't sila pareho napa-hinto. "Dalawang buwan mula ngayon, ang ka-pyestahan ng ating Nayon, at naka takda kang ikakasal kay Makisig." Paalala nito na nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Ligaya. Hindi na lang siya sumagot sa salita ni Dolores, at nag patuloy na lamang sa pag lalakad, kasama ang kanyang kapatid. Buong pag lalakad nila tahimik na lang si Ligaya, iniisip niya pa rin ang sinabi sakanya kanina ni Dolores kanina. Naka-rating na sila sa maliit na barong-baro na gawa lamang sa kahoy at ang bubong naman gawa sa nipa. Mayron naman silang mga kapitbahay, pero medyo may kalayuan din iyon. Napa-palibutan lamang ng tarangkahan na gawa sa kahoy ang munting kubo nila at sa maliit na harden, may naka-tanim na mga sariwang mga bulaklak doon. Napapalibutan din ng matatayog na mga puno at halaman ang kanilang munting tahanan kaya't napaka presko ang sariwang hangin. "Magadang umaga Tiya Belinda." Magalang na bati ni Ligaya na makita ang Tiya, sa pag pasok pa lang nila. Nag mano sila dito pareho ng kanyang kapatid. Si Tiya Belinda ang nakaka-tandang kapatid ng kanilang yumaong Ina, limampu't- apat na taong gulang na ito at suot nito ang paboritong bulaklakan na duster. Bakas na rin ang pamumuti ng buhok nito at ang kanyang kamay, medyo kulobot na rin dahil sa puspusan na pag tra-trabaho. Ulila na sila ng kanyang kapatid na si Lira. Naaksidente no'ng mga bata pa lamang sila ang kanilang mga magulang sa pag-lalaot, kaya't ang Tiya Belinda na ang kumupkop sakanila. Isang dekada na ring yumao ang asawa ni Tiya Belinda, at hindi sila nabiyayaan na dalawang mag asawa ng supling. Sakto lamang ang bahay-kubo na kaysa silang tatlo. Pag pasok mo pa lang, sasalubong kaagad sa'yo ang maliit na kusina at sa isang tabi naman naroon naman ang hapag-kainan na gawa lamang sa kahoy. Iisa lamang ang silid sa maliit nilang munting kubo, at tabi-tabi na sila kong matulog sa papag, na gawa sa karagumoy(bayong) "Maraming salamat, nakuha niyo ba ang pinapakuha ko sainyo?" Maaliwalas ang mukha na lumapit ito sa gawi nilang dalawang mag-kapatid. "Opo, gaya nang iyong pinag-uutos, mas maraming pepino ang aking kinuha ngayon." Nilapag ni Ligaya ang dalang basket sa lamesa na puno ng pepino at ganun din ang kanyang kapatid. Samantala naman ang kanyang kapatid, bibit ang mga prutas, gulay na kanilang inani sa munting lupain nila. "Mabuti. Mabuti naman kong ganun." Bahagyang tinapik ni Tiya ang kanyang balikat at lumapit na ito sa basket na aking bitbit, sabik na sabik siyang nilalabas ang mga kinuha kong pepino. "Nag tataka lang talaga ako Tiya, kong bakit araw-araw kayong nag papakuha sa akin ng mga pepino sa ating lupain." Takang wika ni Ligaya na hindi maalis ang mata sa Tiya. "Ano ba kasi ang ginagawa mo sa mga pepino? Ayaw mo naman pong kainin ang mga kinukuha ko. Sayang din naman po kong iimbakin lang natin dito." "Oo nga Tiyang." Pag sasang-ayon naman ni Lira. Nahinto si Tiya Belinda sa pag lalabas ng mga pepino mula sa basket at bumaling ng tingin sa gawi ni Ligaya. "Ang mga pepino kasi ang nag bibigay ng ligaya sa akin, pinapasaya niya ako." Nilabas ni Tiya Belinda sa basket ang mga pepino, na iba-ibang hugis at laki. May payat May mataba May maikli At may mahaba. "Pinapasaya? Saan at paanong paraan po Tiya?" Inosenteng tinig ni Ligaya, na hindi mahulaan ang ibig nitong sabihin. Hanggang ngayon nag tataka pa din si Ligaya kong ano ang ginagawa ng kaniyang Tiya sa mga pepino. Madalas niya itong marinig na umuunggol at nag hahalili sa silid na tila ba sarap na sarap ito, na hindi niya mahulaan kong ano ang dahilan. "Huwag kanang maraming tanong pa, Ligaya. Balang araw, maintindihan mo din ang ibig kong sabihin." Anito na kina-kunot naman ng kanyang noo sa sinabi nito. Hindi mahulaan kong ano ba ang koneksyon no'n sa mga pepino. Nag lakad na si Tiya Belinda at nakaka-ilang hakbang pa lamang ito at laking gulat nila na may mahulog sa paanan nitong pepino. Nag taka naman si Ligaya at naka titig lamang sa pepino sa sahig, umiba na ang itsura bito at pansin niya na medyo matubig at madulas ang itsura nito. "Ano ito?" Akmang kukunin sana ni Ligaya ang nalaglag na pepino nang mabilis na dinakma ni Tiya iyon. "Ako na diyan, Ligaya." Tarantang wika ni Tiya at sabay tago ng hawak na pepino na ayaw ipakita sakanilang mag kapatid. Malilikot ang mata ni Tiya, at mukhang nataranta ito na takot na takot na bigla na lang iyon nahulog sa kanyang paanan. "Tiya, bakit parang galing po sa loob ng panty mo ang pepino?" Inosenteng tanong ni Lira, na hindi nito inaasahan na makita iyon. "Hahaha!" Humalakhak na lamang na natatawa ang matanda sa naging sagot ni Lira para ikubli ang hiyang nararamdaman. "A-Ayon ba? Bakit nasa loob ng panty ko galing ang pepino? Sinisiguro ko kasing maayos na naka preserve iyon doon para hindi gaano kaagad mabulok ang mga pepino," wika ni Tiya, na kina-kunot naman ng noo ni Lira. "Pero Tiya, bakit diyan mo nilalagay? Hindi kaya babaho ang mga iya---" "Ay juskong bata ka, aatekin ako sa'yo. Siya at kunin mo ang basket doon sa likuran. Bilisan mo na," Pinag tulakan na ni Tiya ang kaniyang kapatid palabas para hindi na ito mag tanong pa. Busangot at labag lamang sa kalooban ni Lira na sumunod sa kaniyang Tiya na lumabas para kunin ang pinapakuha nito. Naiwan na lamang silang dalawa ni Tiya Belinda sa loob, at hindi na nag tanong pa si Ligaya, dahil may hula na din naman siya kong saan ginagamit ng kaniyang Tiya ang mga pepino. Dati-rati talong ang pinapakuha nito sakaniya, pero matapos lamang ang isang buwan, mga pepino na ang pinag deskitahan nito. "Pasensiya kana Ligaya, alam mo naman ang aking pag kasabik no'ng mamatay ang aking yumaong asawa na Juanito, kaya't dito ko na lang nalalasap ang tunay na kaligayahan sa mga pepino." Ang Tiya ko na ang nag paliwanag at lumapit sa gawi ni Ligaya. "Bakit ba kasi hindi kana lang mag asawa muli, Tiya?" Suhesyon pa ni Ligaya para tigilan na nito ang mga pepino na kanyang mga tanim. "Hindi ko kayang mag asawa muli Ligaya, kasi mahal na mahal ko ang yumao kong asawa na si Juanito." Wika pa nito. "Okay naman itong ginagawa ko, na tinutuonan ko na lang ng atensyon itong mga pinaka mamahal kong mga pepino. Matigas, masarap at iba't-iba pang mga hugis, na dinadala ako sa rurok ng kaligayahan. Kumpara sa mga talong naman na mabilis malanta at masira matapos mo lang gamitin na ilang ulit." Napa-iling na lang si Ligaya ng ulo at sanay na sanay na siya sa mga sinasabi nito, sa paraan ng mga pepino dinadala siya sa kaligayahan na matagal na nitong inaasam sa kanyang yumaong asawa. Hindi na lang siya sumagot at piniling ayusin ang bitbit na basket na dala ng kanyang kapatid, kanina. "Usap-usapan sa Nayon natin na si Makisig daw ang naka pareha mo para sa nalalapit na ka-pyestahan dito." Pag bubukas ni Tiya ng usapan na mapa tigil si Ligaya sa ginagawa. "Handa kana ba sa nalalapit niyong pag papakasal?" Tanong nitong muli at doon na bumagsak ang balikat ni Ligaya, sa tuwing nasisinggit sa usapan ang nalalapit na ka-pyestahan. Dati-rati kapag naririnig niya pa lamang ang nalalapit na ka-pyestahan. Sabik na sabik siya dahil maraming pag tatanghal sa kanilang nayon. Masaya ang selebrasyon at napapanuod niya pang kinakasal ang mga kababaihan na kanyang kakilala. Ngayon, siya naman ang naka takdang ikakasal pero wala man lang siyang naramdaman na pag kasabik kundi kabaliktaran ang aking nararamdaman. Tradisyon na sa Nayon namin ang ganun na kapag wala pang iniibig ang mga babae kapag sumapit na sa edad n labing siyam na taong gulang. Ipag kakasundo o kaya naman ipapapakasal sa mga lalaki sa kanilang Nayon na wala pang asawa. Pwedeng ipareha sa mga lalaking may edad na o kaya naman mas bata pa sakanila. "Ayaw ko Tiya mag pakasal, hindi ko naman tunay na iniibig si Makisig." Salaysay pa ni Ligaya na may lungkot at nanubig ang mata niyang bumaling ng tingin kay Tiya. Gusto kong takasan ang kapalaran niya pero wala naman siyang magagawa. Nakaka-lungkot at nasasaktan lamang siya para sa sarili, na kailangan niyang mag pakasal sa isang lalaki, na hindi niya naman tunay na napupusuan. Lalaking kina-aayawan niya nang husto. Paano niya matatakasan ang kapalaran kong ito? May lungkot na lamang ang gumuhit sa mata ni Ligaya at tumitig siya sa kawalan. ***** Masayang nag tatampisaw sa batis si Ligaya, dapit alas dos ng hapon na iyon at hindi gaanong masakit ang sinag ng araw dahil na rin napapalibutan ng matatayog at matatas na puno ang bawat paligid. Kina-ugalian na ni Ligaya na tuwing hapon, maliligo siya sa batis. Sumisid siya sa napaka-linis at sariwang tubig, na nanunuot sa laman niya ang lamig at no'n. Sumasabay ang lagaspas ng sariwa at malamig na tubig nag mumula sa batis at mag isa lamang siyang naliligo na suot niya ang puting bestida na kanyang suot, kaya't lumitaw maputi niyang kutis at magandang hubog ng katawan sa kanyang suot. Maririnig mo na lang ang huni ng mga ibon sa puno at napaka tahimik at ganda ng lugar kong saan siya naliligo. Sumisid muli si Ligaya at ninamnam ang napaka-lamig na tubig, at sa kaniyang munting pag-ahon gano'n na lang ang sindak at gulat ng makita niya ang mga matang puno ng pag-nanasa na kanina pa naka-masid sakaniya. Mga matang hagok sa laman. Mga matang nag patayo ng balahibo sa balat ni Ligaya. Naka-tago ang lalaki sa napaka-laking bato, na tila ba uhaw sa laman ng tao at ang kanyang mga mata'y nakaka takot at puno ng pag nanasa. "Ahh!" Tili ni Ligaya na mahagip ng kanyang tingin sa lalaki. Tinakpan ni Ligaya ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga kamay, para itago ang kaniyang katawan na bumakat at nakita na sa suot niyang manipis na puting bestida. Mabilis na umahon si Ligaya sa tubig dahil hindi niya inaasahan ang sunod na nangyari. Takot na takot si Ligaya na lumapit para isuot ang kanyang sapin sa paa samantala naman ang kanyang mga kamay naka takip sa basa niyang katawan. Dali-dali siyang kumilos at kumaripas na tumatakbo at lumayo sa lalaki. Bago paman maka-layo si Ligaya, nang may kamay na humawak sa kaniyang pulsuhan, na labis naman kina- bigla ng dalaga. "M-Makisig." Kurap na tinig ni Ligaya ng makita ang guwapong lalaki na humawak sa kaniyang pulsuhan. Matangkad ang lalaki at malaki ang kaniyang pangangatawan, na halatang batak sa pag tra-trabaho. Kayumanggi ang kutis ni Makisig, at marami din ang mga kababaihan ang nag kakagusto sa binata dahil na rin sa likas na taglay at ka-guwapuhan nito. Matanda lamang sakanya si Makisig ng walong taong gulang, pero kahit ganun ayaw pa din ni Ligaya dito dahil sa pagiging hambog at masamang ugali na pinapakita nito. "Bitawan mo ako Makisig, a-ano ba. Bitawan mo ang kamay ko." Pilit na nag pupumiglas si Ligaya para maka-wala sa pag kakahawak dito, pero malakas ito kumpara sakaniya. Mamasa-masa na ang kanyang mata at aaminin, na natakot siya sa pag silip nito sakanyang pag liligo. "B-Bitawan mo na ako Makisig, gusto ko nang umuw——-" "Bakit aalis kana kaagad? Aliw pa nga akong pag masdan kitang naliligo sa batis." Lumawak ang ngiti sa kanyang labi, na pinandigan ng balahibo ng kalamnan ni Ligaya. "Napaka-ganda mo talaga Ligaya. Napaka-ganda pa ng iyong kutis at ang iyong dibdib, saktong-sakto sa aking mga kamay." Tangkang hahawakan ni Makisig ang kanyang mayayaman na dibdib na manlaki ang kanyang mga mata. "Ang bastos mo!" Napa-kurap si Ligaya nang mabilis na hinuli ni Makisig ang kaniyang pulsuhan na isasampal niya sana sa binata. Mamula-mula na ang kanyang mukha, hindi lamang sa natatakot siya kundi sa galit at pagbabastos nito sakanya. Napa-singhap pa lalo si Ligaya ng hilahin pa siya nito palapit sa kaniya, na tumama ang balat nilang dalawa ni Makisig. Kumabog ng sobrang bilis ang puso ni Ligaya sa labis na takot at pamamaraan na pag-titig sakaniya ni Makisig, na kahit naka-suot na siya ng damit. Tila ba hinuhubaran na siya nito sa mga mata nitong puno ng lagkit at pag nanasa. "Ganiyan ang gusto ko sa isang babae palaban." Nilapit pa nito ang mukha sa akin at tumitig na lamang ako na galit na paraan kahit sa loob-loob niya, natatakot na siya nang husto. "Lalo pa akong nasasabik sa'yo Ligaya. Balang araw, mahahawakan ko rin ang iyong balat.. Matitikman din kita.. Magiging akin kana rin pag sapit ang ka-pyestahan dito sa Nayon natin." Lumawak pa lalo ang ngiti sa labi ni Makisig, na kina-laki naman ng mga mata ni Ligaya. "Huwag kanang umasa pa Makisig, kaylan man hindi ako magiging iyo. Tigilan mo na ang kahibangan mo, dahil hinding-hindi ako mag papakasal sa isang hambog na kagaya mo." Matapang na tinig ni Ligaya na kina-lawak naman ng ngiti nito. "Tignan lang natin kong saan aabot ang katigasan ng ulo mo Ligaya. Bakit mayron kana bang napupusuan?" Pag hahamon nito at hinila pa siya palapit dito na mag sukatan na sila ng titig sa bawat isa, na walang gustong mag patalo. "Haharangin at papatayin ko, kong sino man ang umagaw sa'yo sa akin. Akin ka lang Ligaya. Akin ka lang." Naging mabigat ang pag-hingga ni Ligaya at buong lakas niyang tinulak ito, na sanhi mabitawan na siya ni Makisig. Isang matalim at nag babantang titig ang pinukulan ni Ligaya kay Makisig at ang kanyang mata'y maluha-maluha na. Taranta at mabilis na tumakbo palayo si Ligaya, samantala nanatili pa din naka-tayo si Makisig kong saan niya ito iniwan. "Kahit anong gawin mo Ligaya, hindi mo matatakasan ang kapalaran mo. Magiging akin ka rin! Akin!" Pahabol nitong sigaw at hindi niya na nilingon pa. Umiling na lang si Ligaya, at winawaksi sa kaniyang isipan ang katagang sinabi nito. Ayaw ko. Hindi mo ako makukuha. Sigaw naman ng kanyang utak, at hindi niya mapigilan ang pag landas ng luha sa kanyang mga mata habang tumatakbo palayo dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD