PINAGHANDAAN ni Charmaine ang pagkakataong makilala niya ang parents ni Dylan. Kinakabahan siya pero nasasabik nang hapong dinala siya ng binata sa bahay ng mga ito. Nakahanda na rin ang mga lulutuin niya. Sisiguraduhin niya na kapag natikman ng mga magulang ni Dylan ang luto niya ay hindi mag-alinlangan ang mga ito na tanggapin siya para sa anak ng mga ito. Wala sa bahay ang mga magulang ni Dylan ay mga kapatid. Silang dalawa lang ang naroon. Titulungan siya ng binata sa paghahanda ng mga sangkap na kailangan niya sa lulutuin. Beef steak at sinigang na lapu-lapu ang napili niyang lutuin. Gumawa din siya ng mash potato para kay Dylan. Ayaw na kasi nito ng kanin. Ang dessert ay black gulaman. “Huwag mong i-over cook ang lapu-lapu,” sabi ni Dylan. Nagbabalat ito ng labanos na ilalagay sa