EXCITED si Charmaine habang lulan siya ng wedding car. Suot niya ang puting trahe de buda. Iyon ang pinakahihintay niyang araw sa buhay niya, ang maikasal sa lalaking lubos na nagmamahal sa kanya.
Ngunit pagdating sa simbahan ay nagtataka siya bakit nasa labas ang ibang tao at tila balisa. Late na nga siya ng halos kalahating oras dahil late na siyang nagising. Sinalubong siya ng best friend niya’ng si Janel.
“Charmaine! Best, wala pa rin ang groom,” balisang sabi nito.
“Ano? Bakit?”
Walang sumasagot sa kanya kung nasaan ang kanyang groom. Pumasok pa rin siya sa loob ng simbahan at naghintay ngunit lumipas na ang tatlong oras, wala pa rin ang kanyang groom. Nasira na ang make-up niya dahil sa walang tigil na pagpatak ng kanyang luha.
“Bakit? Bakit palagi na lang ako iniiwan?” humahagulgol niyang wika.
BUMALIKWAS nang upo si Charmaine nang may kung anong humilagpos sa paligid niya. Napahawak siya sa kanyang dibdib nang makita ang lalaking namumulot ng bubog sa sahig. Iginala niya ang paningin sa paligid. Pulos puti ang pintura ng kuwarto.
Nakasuot ng puting coat ang lalaki. Wala siyang maalala na kahit ano, maliban sa kanyang panaginip na nasa simbahan siya. Ngunit alam niya ang pangalan niya dahil nabanggit iyon ng babae sa panaginip niya. Siya si Charmaine, iyon lang ang naaalala niya.
“S-nino ka? Nasaan ako? B-bakit wala akong maalala?” balisang tanong niya sa lalaki.
Nang tumayo nang maayos ang lalaki at humarap sa kanya ay may kung anong kumislot sa puso niya. Hindi niya maalala ang lalaki pero may pakiramdam siya na parang nakita na niya ito. Guwapo ito, matangkad, katamtaman ang laki ng katawan, may dalawang pulgada ang abuhin nitong buhok na mas mahaba nang konti ang bangs. Katamtaman ang kapal ng kilay nito na nagbigay buhay sa tiger eyes look at blonde nitong mga mata. Matangos ang ilong nito na makitid at mga labing katamtaman ang nipis na namumula. Nagsisimula pa lang tumubo ang kaaahit nitong balbas at biguti. Maputi at makinis ang balat nito.
Itinapon nito sa basurahan ang nabasag na baso. Pagkuwan ay binalikan siya nito. Bakas sa mukha nito ang pagkasorpresa.
“Are you sure you don’t remember anything?” seryosong tanong nito.
Pinilit niyang makaalala pero wala maliban sa pangalan niya. “Wala, wala talaga pero nanaginip ako at may babae na tinawag akong Charmaine. Ano ba ang nangyari sa akin?” aniya.
“Okay. I’m Dr. Dylan Lee. Isa akong surgeon at cardiologist. Nakita ka namin sa na-crash na eroplano papunta sana rito sa Cebu. Ang sinasakyan mong eroplano ay mayroong nakasakay na tao na infected ng virus. Ikaw lang ang nakita naming buhay pero naghihingalo ka nang nakuha namin dahil may nakatusok na basag na salamin sa dibdib mo. Dinala ka namin dito para ma-operahan. Ako ang nag-opera sa ‘yo at kinuha ang nakabaong bubog sa dibdib mo malapit sa puso mo. After ng operation, na-coma ka ng almost one month. Good thing you survived,” paliwanag nito.
“Gan’o ba?” nanlumo siya.
“You’re just awake, and you need some rest. We will check again why you can’t remember anything. Just stay here. I’ll be right back,” anito pagkuwan.
Walang imik na lumisan ito.
Humiga siya ulit. Kinapa niya ang kaliwang dibdib niya. May bakas pa roon ng tahi. Puting hospital gown lamang ang suot niya, ni walang underwear. May ilang aparatos pang nakakabit sa katawan niya.
Pagbalik ni Dr. Lee ay may kasama na itong isa pang lalaki, guwapo rin at matangkad. Dinala siya ng mga ito sa isang laboratory at ipinasok sa isang machine kung saan makikita ang function ng buong katawan niya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ng halos dalawang oras na pagsusuri ay ibinalik siya ni Dr. Lee sa kuwarto. Naiilang siya rito dahil ito pa ang nagbihis sa kanya matapos nito tanggalin lahat ng aparato sa katawan niya.
“Later you can transfer to the comfortable room. Pasensiya ka na, walang naiwang nurse na babae rito,” sabi nito matapos siyang bihisan.
Ang awkward, na isang guwapong doktor pa ang nag-asikaso sa kanya. Obvious na bata pa ito at wala pang asawa. Sinuotan siya nito ng puting blouse at itim na pajama.
“Ahm, doktor ka ba talaga?” nagduduang tanong niya.
Lumapit ito sa bedside table at nagtanggal ng mask. “Yes, hindi ba halata?” sabi nito pero seryoso.
“You’re too young to have that profession. How old are you, Dr. Lee?”
“You’re right, I’m 29 years old. I got a special class in America during high school. Hindi ako nag-aral sa normal school. I’m half-human, half-vampire. Advance ang pag-aaral namin and also the development of our mind. But I still undergo training and exam for the license. Tinanggap naman ang edad ko, base sa records and grades ko. Don’t worry, hindi ka mabubuhay kung hindi ko gamay ang trabaho ko,” sabi nito.
“Sorry, curious lang ako. Ano’ng lugar ba ito?” pagkuwan ay tanong niya.
“Nandito ka sa sangre academy. Ito ang extension ng clinic namin. Nasasakop pa rin naman ng Cebu itong area, malayo nga lang sa siyudad. Naliligiran tayo ng karagatan. Isa itong malaking isla. Ang organisasyon namin ay may layuning protektahan ang mga tao kontra sa mga halimaw.”
“I don’t think about vampire and monster you said. Are those really exist?” Nalilito pa rin siya.
“Yes, we’re real. Kung nakakaalala ka, maaring alam mo na ang tungkol sa amin. Pero dito sa academy, hindi lahat ng narito ay mga bampira. Marami ring tao na nagtatrabaho rito.”
“Hindi ko maintindihan. Ano ba ang nangyayari sa mundo? Makababalik pa ba ako sa normal na buhay?”
“Hindi pa sa ngayon. Pero meron kaming mga safe houses kung saan nakatira ang mga taong survivor. Kung wala ka nang nararamdamang masakit sa katawan mo, puwede ka naming ihatid sa safe house. Pero kung gusto mong magtrabaho rito, marami kaming mai-o-offer na trabaho.”
Inisip niya kung sino ba talaga siya at saan siya nagmula. “Wait. Do you know my name, my relatives, address, previous work, status? Pasensiya na, wala talaga akong maalala,” aniya. Hindi na rin siya sigurado kung tama ba ang pangalan niya base sa panaginip.
Napansin niya ang biglang pananahimik ng lalaki. Maya-maya ay may kinuha ito sa drawer ng lamesa. Ibinigay nito sa kanya ang kanyang ID.
“Charmaine Perez ang pangalan mo, isa kang flight attendant ng bumagsak na eroplano. I don’t know about your status,” sabi nito.
Ibinalik niya ang tingin sa lalaki. Tama nga na Charmaine ang pangalan niya. “Wala ba akong relatives na naghanap sa akin?” pagkuwan ay tanong niya.
“Pinakita na namin sa lahat ng taong survivor ang ID mo pero walang nakakilala sa ‘yo. I guess you’re from Manila. May birth date ka sa ID pero walang birthplace at status. Ang naka-indicate sa person to notified ay maaring tatay mo. Pero base sa research namin, ang pangalan na nariyan ay nasa list ng mga namatay.”
“Ang ibig mong sabihin, patay na ang lahat ng miyembro ng pamilya ko?!” bulalas niya. Nanikip ang kanyang dibdib.
“If lahat sila narito sa bansa, maaring patay na sila. Maraming nasa dead list namin ang ka-apilyedo mo. Mostly sa kanila ay taga Cebu.”
Tumulo ang luha niya udyok ng hindi mawaring emosyon. Blanko pa rin ang utak niya. Nasa stage siya ng depresyon na pilit makaalala pero wala siyang mapiga sa kanyang utak. Lalo lamang siyang nagiging emosyonal.
“Magpahinga ka muna. Magpapahatid ako ng pagkain para sa ‘yo,” pagkuwan ay sabi ni Dylan, saka siya iniwan.
PAGDATING ni Dylan sa laboratory one ay inayos niya ang medical record ni Charmaine. Labin-apat na taon na ang nakalipas, posibleng nakalimutan na siya ni Charmaine. Fifteen years old siya noong napasagot niya ang dalaga. Simula grade six ay niligawan na niya ito, at sa tulong ng kaibigan niya’ng si James ay nagustuhan siya ng dalaga. Subalit biglang nagdesisyon ang parents niya na sa America siya magpatuloy ng pag-aaral, sa isang vampire academy kung saan nagtuturo ng medisina.
Kinailangan niyang hiwalayan si Charmaine dahil sa desisyon ng mga magulang niya na hindi niya kayang suwayin. Isa rin sa dahilan kung bakit kinailangan niyang layuan si Charmaine ay dahil sa pagiging hybrid niya. Bukam-bibig noon ng dalaga na galit ito sa mga bampira dahil pinatay ng mga iyon ang nanay nito at kapatid. Dahil doon ay napilitan siyang iwan ito. Iniisip niya noon, masyado pa silang mga bata para seryosohin ang relasyong iyon.
He thought her presence can’t affect his emotion but it suddenly reminding him about the past that hurts him once. Matagal na iyon kaya tiwala siya na hindi na siya apektado, pero bakit tila may sariling buhay ang kanyang puso. Nakalimutan na dapat niya si Charmaine, or tamang sabihin na nakalimutan na niya ito.
Ngunit tila tadhana ang gumawa ng paraan upang magtagpo muli ang mga landas nila. Ayaw na niyang guluhin ang payapang buhay ng dalaga kaya mas kampanti siya na nagkaroon ito ng temporary amnesia. Baka nga nakapag-asawa na ito. Hindi na rin niya ito pipiliting maalala ang nakaraan nila, baka mabuhay lang ang sakit na iniwan niya sa puso nito.
“DYLAN! Bakit aalis ka na, ha? Bakit hindi ko ito alam? Kailangan ko pang malaman sa ibang tao! Sabihin mo nga, wala ba akong halaga sa‘yo? Magsalita ka!” lumuluhang sabi ni Charmaine, habang hapit nito ang damit ni Dylan at niyuyugyog siya.
Napasandal siya sa dingding sa gilid ng hagdan. “Kailangan kong mag-aral sa Amerika. Doon ako gustong pag-aralin ng parents ko. Mga bata pa naman tayo. Hindi natin kailangang magseryoso,” sabi niya. Hindi siya nagpakita ng kahit anong emosyon dito kahit hirap na hirap na ang damdamin niya.
Bigla siya nitong sinampal. “Wala kang kuwenta! Matapos mong kunin ang loob ko, paibigin ako, iiwan mo na lang ako sa ere? Maaring mga bata pa tayo, pero hindi mo ba naiisip na marunong na akong magmahal at masaktan? Hindi ako mangmang, Dylan! Sana hindi mo na lang ako niligawan kung iiwan mo lang din ako,” may hinanakit na sabi nito.
“Sorry, wala akong choice,” sabi lang niya.
“Wala kang choice? O takot ka lang suwayin parents mo.”
“Mag-aral muna tayo, Charm. If we really meant to be, God will make a way for us. I’m sorry, I need to go,” sabi niya at iniwan ang dalaga.
“Dylan! Wala kang puso!” sigaw nito.
Huminto siya pero hindi niya ito nilingon.
“Hoy! Dylan! Mahal kita! Kapag hindi ka bumalik, kakalimutan na kita!” sigaw ulit nito.
Doon na tuluyang tumulo ang luha niya ngunit tiniis niya ito. Nagpatuloy siya sa paglalakad. Ngunit habang papalayo siya ay unti-unting nilalamon ng sakit ang puso niya.
PILIT iwinawaksi ni Dylan ang nakaraan niya kay Charmaine. Nangako siya sa kanyang sarili na hindi na siya ulit makararanas ng sakit dahil sa pag-ibig. Naniniwala siya na makakaya na niyang maging matigas dahil sa ilang taong ibinuhos niya lahat ng panahon at oras sa pag-aaral.
Mamaya ay dumating si Alessandro. “How’s your patient?” tanong nito.
“She’s fine. Ipapahatid ko na siya sa safe house bukas,” sagot niya.
“Naapektuhan ang memory niya dahil sa malakas na pagkabagok. Maari pang bumalik ang memory niya pero hindi madali. Wala siyang naiwang relatives na maaring makapaalala sa kanyang nakaraan.”
Isinantabi na niya ang pagiging parte ng buhay ni Charmaine. “That’s fine. Mas okay nang gano’n,” sabi niya.
“What? Are you concern or what? Ikaw lang ang doktor na ayaw bumalik ang alaala ng pasyente.”
Nilinis niya ang kanyang lalamunan. “I mean, it’s better she doesn’t remember her bad past,” alibi niya.
“What do you mean by bad past? Have you seen her past?”
Hinilot niya ang kanyang batok. “Don’t mind me. I’m just tired and stress at work,” aniya pagkuwan.
“Well, that’s obvious. You better take a rest. You’re working twenty-four seven, seven days a week,” sabi nito.
Ngumiti siya. “You too. I have to go.” Lumabas na siya dala ang medical record ni Charmaine.
Pagdating niya sa clinic ay ibinigay niya kay Charie ang medical record ng pasyente.
“How’s the patient?” tanong niya.
“Si Ms. Perez po ba?” anito. May iba pa kasing na-admit doon.
“Yes.”
“Ahm, kumakain na po siya. Gusto na po pala niyang lumipat ng kuwarto. Puwede na po ba siyang i-discharge?”
“Yes. Ililipat na siya bukas sa safe house.”
“Pero nag-usap po kami. Gusto po niyang magtrabaho rito. Baka raw mainip lang siya sa safe house.”
“Kailangan muna niyang magpahinga,” aniya.
“Sinabi ko nga, pero makulit. Ang dami niyang tanong. Kahit daw tagahugas lang ng plato ang trabaho niya. Para siyang bata na wala pang muang,” natatawang sabi ni Charie.
“Normal lang ‘yon sa may amnesia. Ikaw na muna ang bahala sa kanya,” sabi niya.
“Sige, Doc.”
Pagkuwan ay nag-teleport na siya pauwi sa bahay nila. Nakabibingi ang katahimikan pagdating niya sa dalawang palapag nilang bahay. Kapag ganoong gabi ay wala roon ang daddy niya. Malamang natutulog na ang mommy niya.
Pagpasok niya sa kanyang kuwarto ay nakabukas ang computer. Narinig niya ang lagaslas ng tubig mula sa banyo. Nakialam na naman ang magaling niyang kapatid. Pinaghiwalay na nga sila ng kuwarto dahil ayaw niya na naiistorbo siya sa pagtulog.
“Jensen!” tawag niya sa kapatid sabay katok sa pinto ng banyo.
“Ano ba? Naliligo pa ako!” sagot nito.
Matanda siya ng limang taon dito, pero parang magka-edad lang sila kung mukha at katawan ang pagbabasehan. Hindi na niya ito inabala. Lumabas siya at nagtungo sa laboratory ng daddy niya. Nadatnan niya roon ang bunsong kapatid niya’ng babae na si Dyese. Twenty-two years old na ito at nag-aaral na rin ng medisina. Mas may interest itong mag-aral kaysa kay Jensen.
“Hey, bro! How’s your work?” anito.
“Stressful. Si Mommy?” Pinagmamasdan niya ang ginagawa nitong experiment sa palaka.
“Tulog na si Mommy. Kakaalis naman ni Daddy.”
“Hindi kami nagkita sa academy.” Tinitigan niya ang ginagawa nito sa palaka. “Ano ba ‘yan?”
“Inu-autopsy ko ang palaka. I need to find out what is the cause of his death.”
“Nice. Gusto mo talagang maging forensic pathologist, ah.”
“Yap. Idol ko si Kuya Sandro.” Malapad itong ngumiti. “Nag-dinner ka na ba?”
“Not yet.”
“Oh, akala ko sa academy ka na kakain. Naubos ni Kuya Jensen ang food.”
“Okay lang, palagi naman. Magluluto na lang ako.”
“Ayaw mo ng blood juice?”
“No. Hindi pa naman ako nagki-crave.”
“Okay.”
Iniwan lang niya ang dala niyang kimikal saka nagtungo sa kusina. Naglabas siya ng karne ng manok saka binabad sa lemon juice, paminta at toyo. Pagkuwan ay ipinasok niya ito sa oven at hinintay maluto. Lumuklok siya sa silya at pumikit. Gusto niyang mai-relax kahit sandali ang isip niya ngunit hindi niya inaasahan na biglang dadapo sa isip niya si Charmaine.
Noong hindi pa nagigising ang dalaga ay hindi naman niya ito naiisip. Normal na pasyente lang ito sa pakiramdam niya. Pero aminado siya noong nakita niya ang dalaga sa bumagsak na eroplano ay mabilis itong rumihestro sa isip niya. Hindi pa man niya nakikita ang ID ng dalaga ay nakilala na niya ang mukha nito. Wala masyadong nagbago sa mukha ni Charmaine, nag-mature lang at lalong gumanda. Doon niya napatunayan na hindi pa pala niya ito lubos na nakalilimutan.
Tinupad pala talaga ni Charmaine ang pangarap nito na maging flight attendant. Sinuportahan niya iyon noon, pero nasa isip niya ang pagtutol.
“Kapag naging flight attendant ka, liligawan ka ng mga piloto,” sabi ni Dylan kay Charmaine, habang nasa canteen sila ng school at name-meryenda.
“Hindi naman ako magpapaligaw. Ikaw pa, ipagpapalit ba kita? Mas gusto ko ng doktor, para maalagaan ako,” sabi ni Charmaine.
“Magdo-doktor ako. Ano’ng specialty ng doktor na gusto mo?”
“Gusto ko cardiology, para alagaan niya ang puso ko.”
“Sige, cardiology na lang kukunin ko.”
“Akala ko general surgeon?”
“Puwede namang pareho. Gusto ko kasi, ako lang ang mag-aalaga sa puso mo.”
“Promise ‘ya, ah.”
“Promise.”
Hinalikan siya nito sa pisngi.
Kumislot si Dylan nang tumunog ang oven. Naihilamos niya ang palad sa kanyang mukha at ipinilig ang kanyang ulo para maibalik sa kasalukuyan ang kanyang diwa. Tumayo siya at kinuha ang kanyang nilutong ulam sa oven.