KABANATA 14: KANINA PA NAGTETEXT SA AKIN si nanay kung nasaan na ako. Halos dalawang oras na akong nandito, pero ayaw pa rin talagang pumayag nitong si Ployd sa gustong mangyari ni Addilyn. Ito namang si Addilyn, willing to wait din naman habang naglalaro pa ng mobile legendary sa cellphone niya. "Sir, pwede po bang ikulong nyo na lang po itong pinsan ko kung magpupumilit pa ring ayaw magsorry?" tanong ko sa pulis. Kaagad namang nagreklamo si Ployd sa sinabi ko. "H-hoy! Grabe ka naman sa akin! E sa ayaw ko ngang tumigil sa pagsuyo sa kaniya hanggang sa maniwala siya sa akin." "Edi bahala ka sa buhay mo! Uuwi na ako, galit na ang nanay ko!" inis na reklamo ko. "Pwede bang magbayad na lang kasi ako? Basta huwag mo lang akong palayuin sa'yo," pagmamakaawa ni Ployd kay Addilyn. Humikab s

