KABANATA 16: "TEKA NGA, BAKIT BA KAILANGAN KASAMA pa ako sa pagbili mo ng kangkong?" Hindi ko na naiwasang magreklamo kasi ang sakit ng pagkakahatak niya sa braso ko. At saka wala naman akong kinalaman sa kangkong na pinabibili ng nanay niya! "Kung mananatili ka lang doon, masasaktan ka lang. Kaya halika na at samahan mo na ako!" aniya. Napailing na lamang ako habang hila-hila niya pa rin ako papasok sa palengke. Hindi ito ang palengkeng pinakamalapit sa bahay nila pero malamang na sarado na iyon dahil maliit na palengke lang 'yon at alas otso na ng gabi. "Ibig bang sabihin niyan, hindi pa kayo kumakain ng hapunan?" tanong ko sa kaniya. Sa wakas ay hindi na niya ako hinihila, mahinahon na kaming naglalakad nang makapasok kami sa palengke. Halos lahat ay sarado na lalo na iyong mga na

