KABANATA 10: HALOS MAGSILUWA ANG MGA MATA ng mga kapitbahay namin nang ibaba ako ni Jhon Floyd sa tapat mismo ng bahay namin. Ang mga tsismosa, dumungaw pa talaga sa kotse at sinilip kung sino ang nasa loob! "Sabi ko kasi sa'yo sa kanto na lang e," sabi ko sa kaniya. Natawa na lamang siya sa sinabi ko bago ko isara ang pinto ng kotse. Sabi ko kasi sa kanto na lang pero ang kulit at talagang idiniretso sa makipot na daan ng street namin ang magara ng kotse. I know how our neighbors gossip over like this kaya hay naku, nakakabwiset. "Sino 'yon, Mikay?" tanong ng tsismosa number one na kapitbahay namin. "Secret, walang clue!" Tinaasan ko sila ng kilay. Nagbulong-bulungan naman ang mga tsismosa na hinayaan ko na lang. Pumasok ako sa loob ng bahay, naabutan ko naman si nanay na kaaalis la