"HIJA, ano'ng dahilan nang pagbabago ng isip mo? Pumapayag ka na ba sa alok ko?" Masayang salubong ni Congressman Buenos sa dalagitang sumugod sa kanilang tahanan kahit gabi na. 'Maaring umiwas sa mga matang mapanuri. I really love the way she handles her life,' lihim niyang sambit sa sarili. "Magandang gabi sa iyo, Congressman. Total direct to the point ka po ay ganoon din ako. Yes, Sir, I will. Ngunit may kundisyon din ako. Huwag kang mag-alala dahil hindi kayamanan ang aking hinahangad," tugon ng dalagita. "Precious, alam kong hindi ka ganoong uri ng tao. Kilala ko ang magulang mo kaya't kahit hindi ka magpaliwanag ay hindi ko iisiping kagaya kayong pamilya ng ibang angkan na nasisilaw sa pera. Ngayon ay sabihin mo kung ano ang kundisyon mo at aking gagawin," muli ay saad ng mambabat

