"OPEN your mouth, hon." "Ikaw, honey, aba'y masyado mo na akong pinapataba ah. Tingnan mo nga ako. Mas mataba na ako kaysa dati. Lalo at dalawa ang nasa belly ko." "Wala namang problema kahit ikaw pa ang pinakamatabang nilalang sa mundo. Dahil ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin ko. Ako ang taong hindi tumitingin sa panlabas na kaanyuan." Totoo naman! Kahit siguro walang-wala at hindi kagandahan ang magustuhan niya basta hindi salawahan at manloloko ay walang problema. Laking pasasalamat nga niya sa POONG MAYKAPAL dahil ito ang bumihag sa kaniyang puso. "Now it's your turn, honey. Ako naman ang magpapakain sa iyo." "Sure thing, my wife." Kagaya nang ginawa niya rito ay ganoon din ito. In very special treatment. Kaya naman ay mas naging masaya silang dalawa. Maaring nagsimula sila sa s

