"WHAT'S happening on earth? Aba'y wala namang sunog upang mataranta kayong lahat. Ah, may nangyari ba habang wala ako rito?" sunod-sunod na tanong ni Bryce Luther sa abuelo. "Rascal! Ako sana ang dapat magtanong sa iyo sa bagay na iyan, my heir. Tama, walang sunog pero may dumating namang ambulansiya. Ibalik ko ang salita mo, wala namang may sakit sa atin dito at mas lalong walang patay upang may gagamit sa ambulansiya. Tsk! Tsk! Hala, magpaliwanag ka!" singhal na sagot ng head of the clan o si Don Luther Dale. Sa tinuran ng abuelo ay napakamot sa ulo ang binata. Ngunit nang maalala kung bakit may ambulansiyang dumating ay kaagad siyang nagpaliwanag. "Ah, saka na ako magpaliwag, old man. Sa ngayon ay hayaan muna natin silang dalhin sa bagong silid sa tabi ng room ko ang mga gamit na iy

