"OLD MAN, sigurado ka bang wala kang kaalam-alam kung nasaan ang asawa ko?" taas-kilay na tanong ni Bryce Luther sa abuelo. "Abay tinawag mo pa ang iyong abuelo ng Grandpa kung pinagduduhan mo rin lang siya, anak?" Tuloy ay maagap na pagitna ni Benjamin. "Hah! Himala naman po kasing tahimik lang siya, Papa," tugon niya saka muling humarap sa abuelong napangiti pa yata sa reaksyon niya. "Pinagmanahan ko ng pagka-bipolar, magtapat ka mga sa amin, may nalalaman ka ba kung nasaan ang asawa ko? It's been a while since she ran away with our twins," aniya. "My heir, nakamit mo ang iyong pangarap sa buhay noong panahong wala ka sa piling ko. Noong Abraham ang iyong dala-dala mong apelyido. Nagawa mo iyan sa sarili mong sikap. Ngunit bakit ngayong alam na ng mundo na ikaw ang nag-iisang tagapa

