Chapter 10 Jayson POV "Jayson right? How's your training?" "I-Idol!" Napatayo si Jayson sa pagkakasalampak niya sa carpeted na sahig. Naroon siya sa training camp ng mga car racers ng Pilipinas na pagmamay-ari mismo ng lalakeng nakatayo sa kanyang harapan. Si Harley Hoffman Pagod na pagod si Jayson sa buong araw niyang training. Puspusan ang pagtuturo sakanya ng kanyang training coach at dahil first day palang niya ay tila nanlalata ang buong katawan niya sa pagod "I-Idol hindi po ako makapaniwala na nakikita ko na kayo ng harapan! Grabe napaka-astig niyo sa personal!" Tuwang tuwa siya at pakiramdam niya nanginig ang buong katawan niya sa unang beses niyang makita ng personal ang kanyang iniidolo Ito ang pinakamagaling na racer sa buong Pilipinas. Tinitingala ito sa mundo ng racing

