Chapter 27 "K-Kaya ko na.." Dahan dahan siyang ibinaba ni Harley sa loob ng masikip na banyo sa loob ng kanilang bahay. Hindi pa siya makatayo ng tuwid. "Masakit parin ba?" Nag-aalalang tanong nito sakanya. She nodded. Halata naman diba? Hindi nga siya makatayo ng husto. Napapakapit lang siya sa lababo upang makatayo siya. "L-Lumabas kana muna. M-Magsisipilyo lang ako at maghihilamos" "You can do it while i'm here. Hindi ka naman dudumi.." Inaalalayan parin kasi nito ang likod ng kanyang bewang "N-Naiilang ako. Masyadong masikip ang banyo namin para sayo. Baka mabasa ka rin--" "I don't mind baby. Sige na magtoothbrush kana at maghilamos. Aalalayan lang kita rito sa likod mo baka matumba ka pa eh" Napalunok siya dahil alam niyang hindi ito aalis sa likuran niya kahit anong sabi

