Chapter 48 Tahimik na kumakain ng hapunan si Thalia kasabay ng iba pang mga kasamahan niya sa loob ng kusina ng mansyon ni Harley "Ngayon lang nagluto si Sir Harley ha? May himala?" Pabulong na sambit ni Paulina "May something talaga kayo noon no Thalia?" Usisa naman sakanya ni Nelda. Kanina pa siya ginigisa ng mga katanungan ng mga ito. Naghihinala na ang mga ito sa kanilang dalawa ni Harley Simula raw kasi ng dumating siya sa mansyon ay tila naging weirdo ang pagkilos ni Harley. Palagi daw itong seryoso noon ngunit hindi naman daw ito nagagalit katulad ng reaksyon nito kaninang tanghali. "W-Wala po talaga" Kaila niya "Sige na sabihin mo na samin Thalia. Ex girlfriend ka ba ni Sir Harley?" Halos pabulong lang rin na tanong ni Kiana sakanya Nasa itaas na kasi ng kwarto nito si Ha

